Anyareh. 1132012
Namili ng kung anikanik sa National Bookstore sa SM Munti. Napakamahal pala ng acrylic paint?
Naglunch mag-isa sa McDo. Hindi sana ako magiging mukang loner kung tinabihan ako nung cute na mejo mukang KPOP na koya. Hihihi. Konti nalang kasi ang vacant seats, eh dala na nya yung tray nya, lalapit sana siya dun sa inuupuan ko na pang-apat, kaso napansin nya yung mga gamit ko na nakakalat dun sa mga upuan, akala siguro may sinesave ako or something, ayon sa iba tumabi :( Sayang! Hehehez.
Medyo nangitim ako kasi sa ilalim ng tirik na tirik na araw, nagtour ako sa bayan. Tour talaga =))) Naghanap kasi ako kung san may pinakamurang pa-printan.
Nakita ko yung Piso Print, so gora na 'ko dun pero anak ng tokneneng, 3hrs akong naghintay para sa turn ko. Putragels nakakangalay po! Bulk printing kasi ang peg, so bago pa maprint yung sakin siguro mga lagpas 100 pages yung piniprint, tapos nagloloko pa yung printer. Grabe talaga, kung di lang ako purita at nagtitipid, iniwan ko na yun. 3hrs dre, ang dakila ko putek.
Kaya ayon, as of now medyo jgh akech. Sharing.








