

#batman#dc#dc comics#tim drake#bruce wayne#batfam#batfamily#dick grayson#dc fanart


seen from T1
seen from China
seen from Malaysia
seen from Poland

seen from T1
seen from United States

seen from United States

seen from Malaysia
seen from China

seen from Italy
seen from United States

seen from Croatia

seen from United Kingdom

seen from United States
seen from Netherlands

seen from Malaysia

seen from Maldives

seen from Brazil

seen from Malaysia
seen from Indonesia
push start it oh i’m oh so godly
Sa magkasunod na week, andaming nangyari. Halo-halo. May masaya, may malungkot, may nakakainis, may nakakagalit, may nakakakilig (?). All in all, naging mahirap para saken ang first two weeks sa school this year.
Napansin ng iba na ang aga ko na lagi pumasok. Achievement naman yun, kasi ang new year’s resolution ko talaga ay “hindi na ako malelate pa”. At the same time, napansin din ng iba na sobrang tahimik ko na sa room, wala pa siguro sa lima yung nakakausap ko bawat araw (and to think na kaya ko sila nakakausap is because they’re asking something, school stuff). Nakakapanibago daw talaga yun, kasi kilala nila ako na pagpasok pa lang, may banat agad. Tapos biglang napatingin yung prof ko saken, and then kumanta siya ng “malayo ang tingin….” (although wala namang kanta na ganun).
Mismong ang sarili ko, di maiwasan mapakanta ng “what’s going on?”. Ewan ko ba, hindi ko din alam kung anong kaganapan ito sa buhay ko. Siguro dahil din madalas akong mag-isa. Nasasanay na akong mag-isa. Wala kasing makausap, pati hangin pinagtataguan na ako. Ayun, inadopt ko na ang katahimikan na nakasanayan ko.
May isa akong subject na feeling ko nabubully ako dun, grabe ayoko man isipin pero obvious talaga. Tae naman kasi. Hindi ako magaling sa ganon. Pero saktong napasali ako sa grupo ng mga pro, so kulelat ako. Grabe, nung ako na yung magpepresent, nanghihina ako, gusto ko na lang umiyak nung nakikita ko mga reactions nila. Tae. Once a week lang siya pero feeling ko araw-araw ako may ganong subject.
Isang gabi, nabalitaan ko na namatay daw yung teacher namin nung hs. Grabe, nanghina ako noon. Sobrang unexpected kasi. Ang bata pa nun pati ng mga anak nya, nakakalungkot lang. Isa siya sa kinikilala ko talagang guro hanggang ngayon, siya ang pinaka-organized sa lahat, siya lang yung naka-discover nung talent (?) ko sa pagkanta dahil sa project na pinagawa niya. Tapos minsan nya ako nasabihan na sumabay na lang ako sa kanila sa pagpasok ng school since medyo magkalapit kami ng bahay. Grabe. Wala na akong masabi, pero mabait siya talaga. May you rest in peace, Ma'am Marquez.
Ang dami kong lakad na hindi natuloy (natuloy man pero andami ng umurong) and on time nagsasabi yung mga kasama ko na “hindi ako pwede”. Nakakaloka lang na sunod-sunod na araw ko siyang naranasan. Nakakapikon din kahit papano. Ako na nga yung nag-adjust para sa kanila, ako pa mismo yung pumunta sa kanila, ako na din yung palaging nag-aantay, okay lang kahit gabihin, pero ilang beses ng sila pa yung nang-indian. Wow. Just wow. Punong-puno na ako sa kanila. Grabe. Ayoko na. Pagod na ako.
Sobrang lungkot na talaga ng buhay na ‘to, halos araw-araw na akong umiiyak. Nag-open ako sa ka-close ko once, nireplyan nya ako ng “pucha, walang kwenta”. Kaya kahit punong-puno na ako, gusto ko siya ilabas sa isang tao, or gusto ko ng kausap, pinipilit kong wag na lang. Isulat na lang 'to. Pero nasaktan ako sa mga nabitawan nyang linya.
Plus yung story ni Vince and Kath. Yun ang pinagkakaabalahan ko sa ngayon, kahit papano nakakawala ng isipin, pero may part na umiyak talaga ako, seryoso.
P.S. Dumaan sa harap ko si crush, not once but twice. 😍