43.1
"Wanna try?" Ngumiti ako ng abot tenga para tanggapin niya 'to.
Masyado kang nasanay na medyo, slight lang naman na mabait siya. Hindi pa pala. Sa isip ko.
Tinapos ko ang hugasin.
"Oh, iho? Uuwi ka na? Sayang naman, gusto pa kita makilala."
"Yung anak ho n'yo kasi," Pagsisisi niya sa akin. Napataas naman ako ng kilay.
"Bakit ba budoy!?" Pang-aasar ni Mama.
"Budoy!!" Tumawa sila parehas.
"Eto naman kasi si bu-"
"Ma!"
Napasigaw ako dahil bumagsak si Mama. Sa labis kong pag-alala ay hindi na ako nakakibo at binuhat ko siya papunta sa kama.
"Ma, anong nangyari!?" Alalang tanong ni Ate at napaupo sa gilid ko.
"Napagod ba s'ya? Bakit bigla siyang nahimatay?" Sunod sunod na tanong ni Ate.
"Hindi naman po siya nagpagod, ang huli niyang ginawa ay tumawa lang.." Singit ni Jelo.










