Sa disyerto
Si disyerto, Ang disyerto, Sa disyerto, Ni disyerto.
Mainit, nakakauhaw, nakakapagod lakaran. Walang humpay, walang humpas Disyerto’y init ng araw ang kapantay.
Disyertong kasing init ng aking ulo Disyertong kasing init ng aking katawan Disyertong hindi na ata lalamig Disyertong mananatili na atang mainit.
Di mawari kung ano ang rason Di mawari kung ano ang pinanggalingan Di mawari kung hanggang kalian Di mawari kung lalamig pa ba
Disyertong di uso ang tubig Disyertong di uso ang lamig Disyertong mainit, May pag-asa pa bang ulanin?
Sa pag-asang magbago ang klima, Sa pag-asang magbago ang panahon, Sa pag-asang dadating ang isang araw, Sa pag-asang ang init ay mapapalitan ng lamig
Kakapit sa sana, Maniniwala sa sana. Kakapit sa oo, Bibitawan ang hindi.










