Ebalwasyon : Once Upon A Tune - ni Gary Granada
Ito'y maaring mapakinggan dito: https://youtu.be/887cjDQVMAM
Ebalwasyon:
Sampung mga daliri, panay malilikot
Nangangalabit, nandidikta at nangungurakot
Madudungis na ngipin ng pulitiko
Luho, bisyo, pati tinga pera ng publiko
Dito'y nakalahad ang pagiging corrupt ng pamahalaan. Kanilang ginagamit ang kanilang posisyon at kapangyarihan upang mangdikta, mangurakot at mangdaya. Sa sobrang dami ng kanilang mga nakuha mula sa bansa mismong bisyo at luho nila ay kanilang natutupad sa tulong ng pera ng mga tao.
Kandidatong bobo, lumipad sa langit
Di ko na nakita buhat nang ma-elect
Sayang ang boto kong mura lang ang benta
Nag-enjoy pa sana doon sa artista
Madalas ay nakikita natin ang pagiging "mabuti" at ang kanilang "bukal na puso" na handang mag serbisyo sa bansa ngunit kapag sila'y nanalo na at tapos na ang election ay di na mahagilap tulad ng isang taong nag tatago sa naniningil ng utang.
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
My nephew, my niece, my brother and sis
Are all political appointees
Mayroon talagang mga pamilyang laman lagi ng mga halalan. Ang kanilang mga posisyon ay kanilang pinapasa sa kani-kanilang mga pamilya mayroon din silang tinatawag na mga "domain" ng kanilang pamilya at sa loob ng maraming taon sila ang namumuno dito. Mayroon din silang mga kapamilya sa iba't ibang sektor ng pamahalaan.
Waldas na hands, gastos left and right
Public servant na very bright
Cheat them softly, one two three
Na-wantutri ang botante
Sa mga kasuotan at accessories palang nila ay makikita na kung gaano sila kadami gumastos lalo na sa kanilang mga bisyo na madalas ay galing pa sa pera ng mga taong bayan na kanilang kinurakot. Ang salitang wantutri ay nangangahulugang nagoyo o naloko tulad na lang ng mga botante tuwing eleksyon.
Kapag ang taongbayan
Ay may problema
Dalawang tenga, dalawang mata
Laging nakasara
Pagdating sa mga hinain ng taongbayan tila mga bingi at bulag ang mga nasa pwesto. Pagdating sa mga pangangailangan ng mga tao ay wala silang ginagawa lalo na't tapos na ang election at magagawa na nila ang kanilang gusto kaya mahalaga na bumoto ng maayos ang bawat isa sa atin.












