Nakalimutan ko nang kalimutan ka
Isa, dalawa, dalawa lamang kaming magkapatid. Laging magkalaro sa lahat ng bagay at hindi nais mawalay sa isa't isa. Taga gising ko sa umaga kapag ako'y papasok sa paaralan at taga salubong naman kapag ako'y umuuwi. Sobrang saya ang aking nadarama na parang walang problema kapag siya'y nakikita. Pero sa hindi inaasahang panahon lahat ito'y nagbago.
Isa, dalawa, isang taon at dalawang buwan ko lamang siyang nakasama. Matapos siyang tamaan ng sakit na brongko, na sabi ng aking ina ay malapit na sa sakit na pulmonya. Sakit at pighating nadarama ay hindi maipaliwanag; na para bang ang saya-saya pa lamang namin nang ipinagdiwang namin ang kanyang unang kaarawan pero sa isang iglap ay bigla itong napalitan ng sakit. Sobrang sakit na para bang gusto mo na ring mawala para hindi mo na ito maramdaman.
Habang lumalaki, hindi ko mapigilan kwestyonin ang Diyos na kung bakit ang nag-iisa ko pang kapatid, ang bata pa niya. Pero ito nga siguro ang sinasabi nilang may plano ang Diyos para saamin.












