MISS NA KITA
alam mo bang gumagamit pa ako ng ibang account para lang makita facebook mo. para malaman kung anu nang balita sayo. para malaman kung okay ka lang. alam kong di pa rin ako ayos sayo ngayon dahil dun sa nangyari. pero kahit ilang beses kong uliting sabihin sayo na hindi ako ang gumawa nun eh gagawin ko para mapaniwala ka lang. na kahit lumuhod pa ko sa harapan mo eh gagawin ko. hindi ko alam kung mag sosorry ba ako kasi hindi ko naman talaga ginawa yun eh. baka kasi pag nag sorry ako isipin mo na ako nga talaga yun. katulad nga ng sabi mo, alam ko ang mga pangarap mo sa buhay at alam kong tutuparin mo yun. hindi ako yung mismong babali nun. at kung anu man yung nabasa mo dun sa post eh hinding hindi ko kaya sabihin sayo yun kasi nga mahal kita at higit sa lahat eh may respeto ako sayo. gusto kitang makausap ng personal pero parang hindi mo naman ako pag bibigyan. dahil sa tuwing nakakasalubong kita sa school eh parang hangin lang ako na nadaan. gusto kitang lapitan pero di ko magawa kasi natatakot ako. natatakot ako na baka hindi mo ko pansinin. natatakot ako na baka mas lalo ka pang magalit sa akin. pero sana bigyan mo ako ng chance. chance para i explain yung side ko at mag kaayos tayo.









