Kanina, magkausap kami nung dati kong manliligaw. Kaibigan ko siya pero nagkailangan dahil nanligaw. So ayun, siya nga. Naaasar ako kasi mas updated pa siya ngayon sa bestfriend ko. Ang dating sa akin, "tengene. talaga? mas close na kayo?? ang bullshit naman no'n.", nakakaasar. 'Yung tipong mas may alam na siya sa everyday life ng bestfriend ko. Ugh! Buti na lang kumalma ako, kung hindi baka pati kami ng bestfriend ko magkairingan. Tsk. Ang pangit lang kasi sa pakiramdam. Alam kong medyo selfish 'yung dating ko pero ewan ko ba. Naiirita ako. Tas parang nagbago pa 'yung kaibigan ko. Biglang nagkagap? Haaaaaaaay. I don't know. Ang hirap kasi ng hindi nagkakausap. Tskk!
Anyways, okay na ako. Okay na kami. Naging okay naman at the end of the day. Medyo 'di lang ako makamove-on. Ang maganda lang dito sa araw na 'to, gumawa talaga ng way si Lord para mapangiti ako. Nakuha ko na 'yung bagong eyeglasses ko at nakabili na ko ng The Fault in our Stars ni John Green. Installment kay Ate Janine (pinsan ko). Hahaha! Ang dami ko kasing gastos. Ang dami kong gustong bilhin kaya unti-unti dapat. Sabi nga 'don sa nabasa ko sa NBS, 'It is not the man who has too little, but the man who craves more, that is poor', kaya dapat hinay-hinay lang ako. Little by little kong mabili lahat ng books na nasa checklist ko. 'Wag biglain ang sarili sa pagbili. Marami pang araw. Haaay. Friday the 13th isn't that bad at all pala.