Late kwento 'bout Pjay's birthday.
Mabuhay nag upload na si Gino! Pero galit naman sya saken. Sorry na friend :( Namimiss na kita halika na gala na tayo hahaha.
So yun. Sa pagkakatanda ko. Ok shortcut nalang pala, sa sobrang late tinamad na ko.. pero with feelings naman. Haha.
Pero nga pala, namimiss ko na ang dalawang to :'< Jk enuf ov drama haha!
Feb. 13, 2013 day before Pjay's day wooo. Di namin alam pano gagawin since busy at may pasok plus ibang friends ay nasa LB. Pero ayun.. nagkita kami ni Gino ng maaga, we decided na sa UP na kame magpeprepare at gagawa ng.. wait ano nga ba ginawa namin non. Basta parang book :) And tenen! diretso kame sa comshop sa campus, dun kame gumawa at nagtype then print. After that may class pa si Gino, Physics ata. At excited ako kasi gusto ko mag sit-in sa class nya.
Habey ng klase nila no. Walang-wala yung amin. lol haha high-tech sht lol may cam dun sa table ng prof and ayun nakaproject yung pinagsususulat nya habang nagdidiscuss sya wow e haha pero feeling ko kung ganito lagi ang klase ko, mas madalas kong kakwentuhan yung katabi ko. Haha Ang plano namin ni Gino dito kami gagawa nung isa pang part, bale gumagawa naman talaga kami pero habey kasi laging mag eend up sa mga linya ni Gino like "O ano dayan, gagawa pa ba tayo.. kinig ka nalang ba?" Kasi nakikinig nalang ako sa prof kasi wala lang. Feeler lang. Hehe At take note gwapo yang nakablue na nakaeye glasses haha. Kaya kasama talaga sya sa picture. Hahahaha! Pero gumawa pa rin kami ni Gino, puro tawanan kahit na bawal kami mag ingay dahil baka raw mapansin kami sabi ni Gino. So yun.. natapos ang class nya.
Diretso kami Casaa, kumain kame.. kaso umalis na sya agad dahil nga may next class pa sya. So naiwan ako mag isa sa table, kaso may nakishare na couple. Bale nagtutukaan sila sa harap ko pero okay lang sweet kaso awkward na andun ako. Hahaha imbes na dun talaga ako magpapalipas ng oras e napilitan akong magmadali.. Musta naman kung magtagal ako dun diba haha. Bale napressure ako non kaya tinawagan ko si Jelina, tapos tsaka ako unti-unting tumayo haha.
Nag antay na lang ako sakanya sa Sunken Garden. Bale emo mode on. Hahaha, Pero buti nalang nakita ako ni Nes. Ayun nagkwentuhan kame pero maya-maya rin umalis na sya. Tapos solo na ko uli, text ako ng text kay Gino. Sorry Gino. Hahaha Grabe hinaharass ko sya na bilisan nya and all dahil grabe batong bato na ko, feeling ko nagsasanib na yung ugat ko at ugat ng punong inuupuan ko. Haist.
Then tenen andyan na si Gino, diretso kami sa SC, nagpabookbind kame tapos tsaka namen tinext si Paul. Bale di talaga alam ni Paul na mula umaga pa ko dun. Hehe Tinanggihan ko sya kunware nung sinabe nyang agahan ko raw para sit-in nalang ako sa class nila ganun. Hehe So yun, di nya alam. Ewan ko lang dyan kung nafeel nya naman haha. Tapos ayun tenen pasok kame sa Eng'g bldg sinundo Paul. Tapos yunnnnn magkakasama na kame after namin mag antay pa ng konte sakanya. Hahahaha!
Kumain kame, treat ng bday boy omg
Wala nang masyadong ikekwento, kitang-kita naman sa mga ngiti naming magaganda diba? *Hindi ako tinatamad ah hehe*
Kapag 'tong dalawang to yung makakasama mo, di ka na magda-doubt na masaya e. Genuine happiness taray hahaha! U mad Ate Tere. Hay.
Wala ako masabi, feeling ko kulang na kulang effort namin ni Gino nun kumpara sa effort ni Paul saming lahat. Hahaha. Tipong sya unang-una makakaalala na gawing espesyal araw ng bawat isa, di lang naming tatlo. Pero happy birthday Pjayyyy! Ha. Late ba. Hahahahaha!
Binata ka na friend. Wala na ko masabi sayo kasi.. kasi.. sobrang late na. awkward. Hahahaha. Happy birthday lotsalove from me, Gino na galit saken and Ryan Ardie Bigbear. Sino yan. Hahaha
Gwapo naman ng batang yan.
PS: Kaya ko sinabi yan e para di mo makalimutan yung pasalubong ko. Tshirt, Small lang a pero pag wala sige pwede na rin Large or XL na nga. Hahahaha!












