Sarap maki-Birthday. #HappyBirthdayCham (at Jollibee Puregold Pritil) https://www.instagram.com/p/CognbWdve1qrrZwW1Iya0h3SPYrRff1IHUAMdM0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
seen from Belarus

seen from Uzbekistan

seen from United States
seen from Australia

seen from France

seen from Jordan
seen from Yemen
seen from Belgium
seen from United States
seen from China
seen from Argentina
seen from China
seen from T1

seen from United States

seen from United States
seen from Mexico
seen from Netherlands

seen from Argentina

seen from United States
seen from Japan
Sarap maki-Birthday. #HappyBirthdayCham (at Jollibee Puregold Pritil) https://www.instagram.com/p/CognbWdve1qrrZwW1Iya0h3SPYrRff1IHUAMdM0/?igshid=NGJjMDIxMWI=
HAPPY BIRTHDAY CHAM :)))
andami naming picture no. ahaha pero kulang pa yan sa apat na taon na magkasama kami. halos lahat ng album nya sa facebook account nya hindi mawawala ang mukha naming dalawang magkasama :)))
--dahil birthday nya para sa kanya tong post ko. :)
Si Charmaine Pedracio Malong 21 years old ay nakatira sa Antipolo City. ahahaha parang autobiography lang eeh no :p well eto seryoso na. hm? nakilala ko sya June16,2009 sa school bilang college classmate ko. first day ng school yan. hindi naman kami close nyan. may iba syang mga kaibigan samantalang ako kasama ko si Julie. sya kasama nya sila Dean, Dianne at Annie kung hindi ako nagkakamali. pero kahit ganun parang napapasama din kami ni Julie sa kanila until narealize nalang namin na parang bumubuo nadin kami ng sarili naming grupo.
mas nakilala ko sya nung first day ng P.E. namin. sa hagdan ng JSB malapit sa gym. dun din kasi kami nagkakwentuhan at nagkaaminan. (eew! parang may relasyon lang) ahahaha. joke. yung aminan na yun is yung bagay na hindi ko makakalimutan sa kanya. sa kauna-unahang pagkakataon may taong matapang na nakapagsabi sakin na "NAYAYABANGAN AKO SAYO, ANG ANGAS NG DATING MO, LAKAD MO, LAHAT MAANGAS SAYO, IBA KA PA MAKATINGIN". yan yung statement nyang hindi ko makalimutan, hindi dahil nakakainis kasi dahil hanga ako at ang tapang nya lang sabihin yan. yan ang gusto ko sa isang kaibigan yung sasabihin ang mga ayaw nya sayo pero sa huli mananatili pading andyan sa tabi mo. natuwa ako nung marinig ko yan kasi sya lang ata nakapagsabi ng harapan nyan although alam ko na talaga na mayabang, maangas lahat na ng salitang related dyan ay ako pero sya lang talaga ang kaisa-isang kilala kong nagsabi sakin nyan ng walang takot. yan ang nagustuhan ko sa kanya.
naging close kami simula nun. naging bestfriend ko sya kasama si Chi. nabuo ang grupong JAM. Jeanachi, jAnine, chaM. maipilit lang na JAM yan. ahaha. may diary pa nga kami nyan eeh/. nakakatuwa.
pero syempre hindi araw-araw na masaya kami pag magkasama. mas madalas sya magtampo sakin compare sa iba. siguro kasi mas close kami compare sa iba naming kaibigan tsaka sya na yan. MATAMPUHIN SYA, SELOSA, PIKON kung minsan at higit sa lahat IYAKIN yan. pero kahit ganyan sya tanggap ko naman sya. natutuwa pa nga ako sa kanya. sa sobrang tuwa ko sya lagi ang sentro ng panglalait ko/ AHAHAHA. pag nagduduty kami hindi kumpleto ang isang araw na hindi ko sya inaasar, na hindi nya ko kinikiliti, kinakagat. kahit saan ginagawa namin yan. kaya masaya akong kagrupo sya kasi lagi akong may napagtritripan. AHAHAHAHAHA. GANYAN KAMI MAGMAHALAN. sabi nila RAMDAM NA RAMDAM :)))))
kung maswerte sya na naging friend nya ko. maswerte din ako sa kanya. kasi napapasaya nya ako hindi lang saya sobrang saya pa. HAHAHAHAHA.
minsan may mga times na hindi ko lang din sya maunawaan. ang ayoko lang sa kanya ay yung pagiging negative thinker nya. wala syang tiwala sa sarili nyang kakayahan dahil natatakot syang pagnagtiwala sya tapos hindi naman nya nameet yung gusto nyang makuha ayun disappointment yun sa kanya. alam ko ang ganung pakiramdam pero kaya minsan hindi ko sya tinutulungan or sinasabi ko lagi na "kaya mo yan friend" kasi gusto ko maging independent sya. na mawawala din ako sa tabi nya soon, pero bago mangyari yun gusto ko na sana matuto syang tumayo at magtiwala sa kakayahan nya. ayan ang gusto kong ituro sa kanya bago manlang sana kami maghiwalay. at kahit ngayon medyo nangangailangan padin sya ng tulong ko nararamdaman ko naman na sinisikap nyang tumayo sa sarili nyang mga paa which is for me ay nakakaproud lang. proud na proud ako sa lahat ng achievements nya. ang mga pagpasa sa exams at iba pa.
PS: friend sana magawa mong paniwalaan ang sarili mo at si Papa God. minsan talaga hindi laging nasa taas. mas madalas ang pagbagsak pero kung lagig ganun wag ka mawawalan ng pag-asa. alam ko kaya mo yan kung maniniwala at mananalig ka lang. kung hindi mo na meet ang gusto mo madami pang oras para maimprove mo ito para next time okay ka na. maniwala ka lang sa sarili mo kasi ako naniniwala ako sayo :) HAPPY BIRTHDAY ILOVEYOU :****