Ngayon nalang ulit ako makakapagblog ng matino. Sa sobrang wala akong time talaga. Hahahahahaha
At ngayon nalang kasi ulit kami nagkita ni Ayring after 2 to 3 months? Yon. Sinabi sakin ni jayvee kaganina na nandun daw si ayring. Eh ako “ahhh” lang tapos nakatalikod. Ayoko sya makita sa totoo lang kasi baka bumalik lahat ng sakit… Chos!!! Hahahahahahahaha. De, kasi natatakot ako na baka ma-back to zero nanaman ako sa putanginang pagmomove on na yan eh. Natatakot lang din ako na baka bumalik feelings ko sa kanya kaya ayoko syang makita o makausap kaganina. Hehe
Pero wala eh. Lumapit sya tapos kinausap pa ko eh -____- natuwa naman ako kasi di pa rin sya nakakalimot. At mas natuwa ako kasi wala na naman akong naramdamang kakaiba. HAHAHAHA basta alam nyo yon. Walang bumalik na kahit anong emosyon sakin nung nakita at nakausap ko sya.
Siguro nga wala na… Pero alam ko sa sarili kong hindi pa 100% na wala na talaga. Siguro mga 99.9% na? Hahahahaha joke. Haybuuuuu















