JAPS ANTIDO Katapusan, oleo sa kambas #artPH

seen from United States
seen from United States
seen from China
seen from China
seen from Russia

seen from United States
seen from Singapore
seen from China
seen from Türkiye

seen from Germany

seen from Germany
seen from Italy
seen from United Kingdom
seen from Bulgaria
seen from China
seen from Malaysia

seen from United States
seen from United States
seen from Netherlands
seen from Thailand
JAPS ANTIDO Katapusan, oleo sa kambas #artPH
"Katapusan"
Ito ang unang tulang ilalabas ko ngayong taon at mula nung huli akong naglabas ng tula ko. Patungkol ito sa isang pagsuko ko sa isang taong nagustuhan ko noon ngunit di ko na nakitaan pa ng pag-asa. Tuluyan na akong napagod kaya heto ako, sumuko na sa kanya. Mas pinili ko na lang tuldukan at tapusin kaysa magpatuloy nang walang nangyayari.
Sana'y maibigan ninyo!
May mga kwentong naguumpisa pa lang, nakikita mo na agad ang katapusan.
Totoo ba?
di ba nila alam, tayo'y nagsumpaan na ako'y sayo at ika'y akin lamang.
Katapusan nang nasimulan
Hindi maipagkakaila na ang lahat ng bagay ay may katapusan. Nasa atin na kung tayo ba ay mag-uuwi ng aral mula sa ating mga naranasan. Kaya naman, kailangan nating marapatin na sa dulo ng hangganan, mayroon tayong baon para sa pagtawid sa susunod na kabanata.
Sa aming klase sa panitikan, hindi ko masasabing mayroon akong aral na napulot dahil una sa lahat, hindi ko masasabing aral ang aking nakuha kundi karanasan. Noon pa ma’y mayroon na akong kaalaman sa pagsulat ng akda at sa pagsusuri ng mga ito. Sa aming klase, nabigyan ako ng pagkakataon na ipamalas ang mga kaalaman ko noon at dahil do’n, masasabi ko na nakakuha ako ng karanasan ngunit hindi ako nakapulot ng aral. Bagama’t gano’n, hindi ko maipagkakailang ang karanasang nakuha ko ay hindi ko magagamit para sa bukas na aking pupuntahan.
Masayang magbasa ng mga obra lalo na kung marunong ka magbasa—gaya ng sinabi ko sa unang blog. Dahil mayroon akong kaalaman kung paano ginagawa ito, mas lalo kong nahinuha ang bawat teksto na ipinabasa sa amin. Isang malaking pasasalamat sa asignaturang ito dahil binigyan ako nito ng oras para mapalawak ang mga obrang aking nalalaman. Dahil kasama ito sa kurikula ng aming pinag-aaralan, nabigyan ako ng pagkakataong maging trabaho ang bagay na nais kong gawin—ang pagbabasa. Sa madaling sabi, binigyan ako nito ng oras para maging ako at magbasa lamang nang walang ibang iniintindi. Binigyan ako ng pagkakataon nitong magpahinga habang napapalawak ang aking isip. Mas namulat ako sa mga istorya ng bawat obra at nabigyan ako ng mas malalim na perspektiba sa mundo. Ngunit gaya ng sinabi ko kanina, hindi ako nakapulot ng aral, ngunit nakapulot ako ng karanasan.
Sa puno’t dulo, masama bang hindi ako nakapulot ng aral? Hindi. Mas masamang hindi ako makapulot ng karasanan dahil ang karanasan ang siyang nagbibigay ng memorya sa atin kung paano gagawin ang isang bagay upang mapagpabuti pa sa susunod. Ang mga karanasan ng mga tauhan ng bawat kwento ay parang naging karanasan ko na rin. Sa pag-alam ko kung ano ang kanilang pinagdaanan, nakapulot ako ng mga istratehiyang maaari kong gawin upang hindi na mangyari pa iyon sa iba—o sa akin na parte na ng mundo nila. Binigyan ako nito ng pagkakataong sumimpatya sa mga istoryang nababalot ng kadiliman—kadiliman ng tao. Binigyan ako nito ng ilaw upang mas magamay ko ang susunod na karanasang makukuha ko mula sa mga susunod na tauhan, hindi lamang sa mga obra, kundi pati na rin sa mundong aking kinagagalawan.
Kaya naman, sa puno’t dulo, aking sasabihin, wala akong napulot na aral. Ang napulot ko ay karanasan—ang kaalaman ng mismong istorya, hindi lamang ang dulo. Ang pag-alam ng buong pangyayari ay isang kapangyarihang ipinamalas sa akin ng asignaturang ito. Kaya naman, sa mga gumawa ng obra, sa mga tauhan, sa mga taong nagpamalas sa akin ng karanasang iyon, maraming salamat sa pagkakataon. Mas namulat sa akin ang mundo dahil sa inyo.
Salamat sa thefandomlifeforme para sa GIF.
Dulo
Salitang magpapatunay na wala talagang permanente dito sa mundo. Sapagkat hantungan din nama'y waring wala lang naman. Sa nagmamahalan, meron lang salitang 'tayo' at wala dapat dulo. Kung meron mang dulo, Narating na ba natin ito? 😯💔
"Malaya Ka Na" Tapos na akong umasa. Tapos na akong magpakalunod sa katangahan. Natanggal ko na ang gapos na sumasakal at nagpapahirap sa akin makalipad. Ngayon, sa wakas at handa na akong palayain ka. Pinapalaya ko na rin ang sarili ko. Salamat at naging parte ka ng buhay ko.