Hindi ako, ikaw
Isang araw, muntik na naman akong nagpakatanga. Isang araw, naisip na naman kita. Isang araw **** ginulo ang isip ko. Isang araw, binalik-balikan ko ang masasakit na alaala mo dahil isang araw, biglang iniwan mo ako. Iniwan mo ako… at mula noon ilang araw akong wala sa sarili. Ilang araw iniisip ang mga dahilan kung bakit ka umalis. At kung bakit hindi ako ang iyong pinili. Ilang araw na akong nagbakasakali na maiisip **** ako na lang. Ilang araw na patuloy na umaasa sa pangakong babalik ka… “Babalik ako, bigyan mo ako ng isang linggo.” Ilang araw pa at naghintay ako, naghintay ako kahit alam ko na kung sino ang pinili mo. Isang tanong na patuloy na gumugulo sa aking isipan. Isang tanong na hindi masagot nino man. Isang tanong na hindi ko makalimutan. Isang tanong na wala naman talagang kasagutan. Isang tanong, “Mahal, bakit mo ako iniwan?” Hindi nga lang iniwan kundi iyo naring kinalimutan. Kinalimutan agad na parang walang pinagsamahan. Puta isang buwan, ganyan, isang buwan nga lang naman. Marahil naging mabilis nga ang mga pangyayari pero ipapaalala ko lang sa’yo ikaw – ikaw ang naunang nagbukas ng pinto. Ikaw ang naunang nagsabi ng “Mahal, bakit di natin subukan?” At sumubok ako. Lumaban tayo. Ngunit pagkatapos ng lahat ay ano? Wala, wala nga palang tayo.
















