Sa bawat oras na nakikita kitang masaya, masaya na din ako. At kung may kasama mang luha ang aking pag ngiti, maaari bang huwag mo na lamang pansinin? Dahil kasing totoo ng pagiging masaya ko para sa’yo ay ang sakit na dinaranas ngayon ng aking puso. Alam ko naman na tulad natin ay wala ring “kayo” ngunit masakit pa ring isipin na mas kaya ka niyang pasiyahin kaysa sa akin.
Ang hirap palang bumitaw sa isang bagay na pinapahalagahan mo ng husto, pero mas mahirap palang hawakan ang kamay mong pilit namang nagpupumiglas. Kaya naman sinta, pinapalaya na kita. Pinapalaya na kita sa isang bagay na hindi mo naman ginusto sa una pa lamang. At papalayain ko na din ang aking puso sa madamot na uri ng kanyang pagmamahal at sa isip kong puno ng inggit para sa taong iyo namn talagang tunay na minamahal. Dahil sa bawat oras na nakikita kitang masaya, masaya na din ako. At kung ay kasama mang luha ang aking pag ngiti, maari bang huwag mo na lamang pansinin?








