Sinanay mo kasi.
Kaya natin sinasanay yung sarili natin sa isang tao dahil sa pag-aakalang hindi sila mawawala. Lalo na’t nasanay ka na palagi na lang masaya. Pero paano kung mawala bigla yung tao na yun sayo? Saan ka tatakbo? Sino ang mag tatanggol sayo? Kung sa kanya mo pinagkatiwala lahat ang sarili mo. Pagtitiwalang aalagaan ka niya at iintindihin sa oras na hindi mo kilala ang sarili mo.













