Week 1, Miyerkules
Ang bilis ng oras at panahon ano? Dati rati ang isang araw ay parang isang Linggo. Ngayon parang isang araw na lang ang isang linggo. Madaming gawain ang hindi kayang tapusin sa maghapon kung napapansin mo rin. Hindi kasya, yun ang masasabi mo sa sarili. Pero kahit ano pang bilis ng oras... patuloy na umiikot ang mundo sa parehong pag-ikot nito sa isang buong araw. Madami pa akong gustong magawa sa buhay. Paano ba magsimula?


















