Raindrops Keep Falling on My Head

seen from Poland
seen from China
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from Slovakia

seen from Netherlands

seen from Slovakia
seen from Türkiye
seen from China

seen from Peru
seen from China

seen from Philippines

seen from United Kingdom
seen from United Kingdom
seen from Canada
seen from China
seen from Türkiye

seen from Australia

seen from India
seen from United States
Raindrops Keep Falling on My Head
MAKATI CITY
2o13.1o.19 -- Because of GD's Coup D'etat Album
AYALA / MAKATI, Y SO LAKI?! (-___-)
Bakit ba kasi naisipan kong pumunta ng Ayala/Makati nang mag-isa? Dahil alam ko, pag may sinama ako, kailangan kong sagutin yung pamasahe niya. At dahil di ako binigyan ng pera ni nanay, yung sa load muna yung ginamit ko sa field trip este sa pagpunta ko dun.
Eh, bakit kasi ako pupunta dun? Eh kasi po, sa sobrang ka-adik-an ko sa Bigbang, specifically - GD, um-order ako ng album niya. Dahil sa may 20% ang #FANGIRLASIA eyde bili/order naman ako. At dahil di ko pina-ship dito sa bahay [dahil alam ko kung anu-ano na namang pagtatanong at pagbubunganga ang gagawin ni mudra sa akin], pick-up na lang sa office ang choice ko. At dahil medyo mataas ang bilib ko sa sarili, kahit walang kaalam-alam sa Ayala, tumuloy pa rin ako, gora! Keriboomboom lang yan! >.< Umalis ako ng bahay, 4:20pm.
Katipunan to LRT 2 - Confidence level going up!
LRT 2 Cubao Station to MRT Line 3 - Confidence level, consistent!
MRT Araneta, Cubao to MRT Ayala - Confidence level, so-so.
Nang makarating ng Ayala... Walang tanung-tanong, diretso labas ng station. Errr? Saan na po ako pupunta? Walang jeep pwedeng sakyan [kahit di ko alam kung anong jeep talaga sasakyan ko].
MRT Ayala to lakad-lakad somewhere makahanap ng jeep - Confidence level goes 50%.
Nakasakay nga ako ng jeep. Pero mukhang mali ata yung ginawa kong pagtatanong lang kung dumaraan ba ng Paseo de Roxas. Dahil nagsisisi po ako na di ko pinaintindi sa drayber kung saang banda sa Paseo yung pupuntahan ko. ANG HABA PO NG PASEO DE ROXAS!!!! TT_TT Ang layo ng nababaan ko.. :((
PASEO DE ROXAS. Ilang tao ba ang nakausap ko makarating lang sa Ayala Triangle Walkway? (-_____-) Lingon dito, lingon doon, makahanap lang ng pwedeng mapagtanungan... Around 6pm nakarating ng Ayala Triangle Walkway at isa pang pagtatanong ang ginawa ko, nakarating din sa wakas --- CITYLAND HERRERA TOWERS. Thank you Lord!!!
CITYLAND TOWER. Sa sobrang saya, napasigaw sa loob ng elevator. Buti na lang wala akong kasabay nang mga oras na yun... Pagdating sa 5th floor.... I was like...
*krooo* *krooo* *krooo*
"Saan dito? Bakit ganito? Parking lot? Syet!! Nakakatakot, ang dilim (-___-) 5-D, saan ka ba rito? Bakit naman kasi di sunud-sunod tong mga room na to. 5-A tapos hiwalay ang 5-E ang katabi pa 5-H. Eh nasaan ang 5-D???"
O__O
Yung feeling na sa palabas mo lang nararamdaman? Yung imahinasyon mo kung anu-anong nabubuo sa utak mo? Imagine. Some like parking slots na may mga rooms, tapos madilim. tapos wala kang kaalam-alam kung saan pupunta... POTEK NA YAN!!! Yung may maiimagine ka tapos pag sobrang tagal ng titig mo mavi-visualize mo yung naimagine mo?? POTEK!!! ANG CREEPY LANG!!! Bakit naman po kasi walang kailaw-ilaw sa buong lugar, meron nga, isa lang naman TT_TT
FANGIRLASIA OFFICE. 5-8 minutes. Yes, ganyan lang po katagal ang inilagi ko sa office nila. Walang-wala sa ilang minuto kong paglalakad sa kahabaan ng Paseo de Roxas. Pagkakuha nung package, dali-daling lakad papuntang elevator.. Humihiling na sana bilisan nung elevator.. HAHAHA! Natakot na kasi ako eh, kahit kunwari nasa postura pa rin XD
THANK YOU LORD! Successful ang field trip ko, hehehe :D *Apir!
G-Dragon Coup D'etat Album -- nakuha rin kita, sa wakas!! :p
.nlmc.