Free Hugs
Just got home from yea, there.. MoA. HA HA HA Free hugs pero wala naman akong ibang niyakap kundi yung mga tropa ko din na pumunta dun. E wala e, wala naman akong ibang ka-close e :-)) Pero meron dun talaga nako, taas ng taas ng Free hugs signage nya (signaaaaage!?) Hahaha sabi ko onti nalang lalapitan ko na e, pero hindi pa din. Kahiya no nyaha :-( De yun tapos dami tao.. Mga nanuod din kasi ng ADMU-DLSU kaya bago kami nakahanap ng kakainan susme lang. Odi ayun, stroll stroll. Then umuwi na kami. Angas lang nung bus na nasakyan namin parang mga bus lang sa Korea. Pero di ako nagkamali kasi may mga nakasulat na korean e. Lol then nagkatakutan pa kami kasi ang creepy amfoo ang dumi kasi tas yung itsura talaga parang nasa horror movies. May lumitaw pang something tabo lang pala. +___+> Pero natakot talaga kami nung umandar na yung bus, napansin namin ni Zay nandun na naman kami sa tapat ng MoA. Kumbaga umikot lang. Sabi ko parang katulad nung sa mga horror movies. Deja vu. HAHAHAHA Natakot naman ang mga kumag. At ako rin.. Kasi naman first time nagtext si mama ng, "Kahit wag ka ng magpasalubong anak, umuwi nalang kayo gabi na." Usually kasi ang dami pang pinapabili nun pero kanina parang gustong gusto na nya ako umuwi.














