Simpleng semplang
Nov. 4, 2020. Di ko makakalimutan ang araw na to dahil sa mga di magagandang nangyari. Pero ang pinaka masaklap ay yung pag semplang ko sa motor.
August 2020 lang ako nagstart magmotor. Wala talaga ko plan kasi di ko naman hilig. Pero dahil sa pandemic napilitan ako. Bata palang ako nun ay balasubas na ko magpaandar ng bike. Ilang beses akong muntik masagasaan, makasagasa at sumemplang. Kaya sabi ko nun na di ako bibili ng motor. Nakakikita ko rin aa balita na daming aksidente sa motor at kung di patay ay malala.
Ganito nangyari. Galing ako bocaue. Nakipagkita sa friend ko. Pauwi na ko. Kulimlim ang langit na tila uulan. Kaya medyo binilisan ko patakbo para si ako abutan. Galing ako sa stoplight. Pag go, harurot kaming mga nakamotor. Dahil trapik sa kabilang lane ay nasakop na yung kalahati ng lane namin. Bale 3 lanes sa kabila dahil sa counterflow ng sasakyan. Isang lane na lang para sa amin. Malayo palang natanaw ko na yung ambulance na mag oovertake dun sa counterflow. Ang nangyari ay kukunin niya yung 1 na lang na lane na para sa akin. Sa kanan ko ay may subdivision. May kotse na nakaabang at palabas. Dun din siya pupunta sa harap ko para makapasok dun sa build up. Nawala ako sa ulirat. Reflexes ko na ang kumalabit sa preno. Hindi ko siya nakontrol. Bumalik na lang malay ko nung unti unti ng tumatagilid paningin ko, bubuwal na ko. Ang nasabi ko na lang ay UY. Nag slide ako at motor. Nagalusan braso at tuhod ko at tumama panga ko sa lupa. Dali dali ako tumayo para itayo ang motor at tumabi. May mga mabubuting loob naman na tumulong sa akin. Kinamusta ako ar pinatabi para magpahinga. Ang sabi nila ay nagloloko daw makina kasi kahit sila di nila nakontrol. Naisip ko na lang na baka nagtatampo na sa akin si CHARLEY. Di ko kasi siya madalas nalilinis or napapaganda. Kadalasan ay puro riding gears ang binibili ko para sa sarili ko at walang motor accessories. 2 weeks na rin siyang delay sa change oil. Baka kako dun kaya siya nagloloko gaya nung sabi nung tumulong sa akin.
Swerte pa rin at konteng galos lang inabot ko. Di naman malalim mga sugat. Masakit lang katawan ko at mabigat pakiramdam. Thankful ako kay Lord kasi buhay pa rin ako. Always naman ako nagpepray pagsakay ko ng motor at nabless din siya. Gaya nga ng sinabi palagi ng mfa fellow rider ko, RS or ride safe. Check motor at check ang sarili. Discipline and defensive driving lagi. Kasi kahit anong ingat mo kung may nakasabay ka na hindi ay damay ka. Sa susunod triple ingat na ko. Yoko rin kasi magalala sa akin mga mahal ko sa buhay.










