Kung ayaw niyong disiplinahin mga anak niyo ng mga teachers, wag niyong pag-aralin sa public schools. If possible, paaralin niyo sa private. Mas maganda, i-home study niyo! Hindi biro ang magturo ng 40-60 students in one section, times 6-10 sections pa kung ikaw ang subject teacher nila.
Mas masahol sa college kase naranasan kong maging subject teacher sa 14 sections. Iba't ibang klaseng ugali ng mga bata pero at the end of my service as a teacher, we both respected.
Naranasan kong mapahiya, maukaan ng buhok, paiyakin sa klase, batukan, pingutin, paiskwatin (may libro pang hawak), mapalabas at mapa-guidance noong elementary at high school ako. For instance, community service din sa loob ng school campus. Naging foundation ko yung mga experiences na yan para matuto ako maging disiplinadong tao at makisalumuha sa iba't ibang klase ng tao. Ngayon, mga elementary classmates ko, mas komportable ko na silang nakakasalumuha ngayon. Yung mga high school schoolmates ko, ayun, we have better ties than before.
Kung estudyante ka na pasaway, kesehodang pinahiya ka o mababa ang binigay sa'yong grade, deserve mo yan for equivalent action(s) na ginagawa mo. Hindi yan gagawin sa'yo ng teacher mo kung marunong kang sumunod sa instructions. Wag niyo isisi sa teacher yung kalokohan niyo dahil kame — as former teacher — dumarating sa point na napupuno na kame. Pinili namin itong propesyon na 'to despite na mababa ang sahod para hubugin ang wastong pag-uugali ng mga bata kasabay ng pagbibigay ng tamang edukaston na kinakailangan ninyo.








