Adobo Applications: The Xerox of Your Smile Edition
Adobo Photoshop
Halata naman dito sa likhang-sining na ito kung paano pinalawak ang mundo sa pamaraan ng media— isang mahalagang parte ng buhay. Kailangan talaga ako para ipaganda (at para rin mapabuti) ang kanilang mga imahe. Madali lang naman akong gamitin, isaayos lang ang contrast, brightness, hue o saturation, at ang pagkalupkop ng mga layers maayos na ulit ang iyong larawan. Kaya nga gumaganda ang imahe ngayon kagaya ng The Xerox Of Your Smile. Kung merong gulo dito gamitin ang heal tool at mawawala na.
Ang dali.
Nandito lamang ako para magdagdag ng iba pang mga kongkreto and abstract na ideya.
Adobo Illustrator
BIlang Isang programa na gInawa para sa pagdIdIsenyo, gInagaya ko ang bawat galaw ng akIng mga katrabaho upang makabuo ng Isang dIbuho. Madalas, kaIlangang gumawa ng maramIng mga hugIs na kapag pInagsama-sama, nakagagawa ng buong obra. Malakas ang ImpluwensIya ng mga hugis na Ito sa paghubog ng gInagawang Imahe.
Base sa karanasan nInyo sa IlalIm ng ImpluwensIyang KanluranIn, naIIntIndIhan ko kung bakIt ganIto lInIkha at IpInakIta ng gumawa ang obra.
Tulad ng paghalo ng "Mona LIsa" at Baro't Saya sa obra, tumulong sa paghubog ng ating kultura ang pagpapakilala ng mithiing Kanluranin. BInago nIto ang Imahe ng atIng katutubong kultura.
Adobo InDesign
[Ctrl+N] >Nasaan na? >Nasaan na ang mga salita? >Ang mga pangungusap; ang katiyakan ng balarila.
[Ctrl+D] >Pasensya na, hindi ko kayang kulayan ang iyong larawan. >Pasensya na, nakikita lamang ng aking mata ang matatag at matibay na linya.
[Cmd+Shift+Hilahin] >Nanininiwala ka na ba? >Mas malaki ba o mas maliit? >Ito lang ang kaya ko. >Sa iba ka na lang, huwag mo nang ipilit.
[Layout>Ruler Guides]
>Ito ang dahilan kung bakit ako nilikha. >Hindi para diyan. >Hindi para sa iyong kaguluhan.
[Paragraph Styles] >Kaayusan: iyan ang aking layunin.
[Character Styles] >Teksto: iyan ang aking aayusin. >Huwag mo na akong inisin. [Ctrl+S]
Adobo Premiere Pro
[Ctrl + O] The Xerox of Your Smile 1-7 [Ctrl+A] Piliin ang lahat [Ctrl+G] Tipunin [Space] Play [Ctrl+L] Sa panonood ng sequence napansin ko ang pagpapalit ng mga senaryo sa bawat kuwadro. [=] Ngunit may isang elemento na hindi nagiiba, [Ctrl+Shift+C]ang sentro ng atensyon, si Mona Lisa na suot ang ating nasyonal na kasuotan.
Isang dalagang kumakatawan sa pino na tindig at kahinahunan.
[-] Binubuo ito ng mga ginupit na pira-pirasong larawan na nakakawiling pinagtagpi-tagpi.
Ang pagsama ng luma at bago, tradisyunal na hitsura na may modernong pakiramdam.
[Ctrl+Shift+F] Ipakita ang nested sequence.
Walang pagkupas ang dalagang Filipina sa paglipas ng panahon.
Adobo Lightroom
Mga Gabay sa Paggamit ng Lightroom (Ako) para sa The Xerox of Your Smile:
1. Import (7) Photos from Ateneo Art Gallery Folder. 2. Click Develop at simulang gumawa ng isang Lightroom Preset para sa pitong larawan. 3. Gamitin ang mga sumusunod na Tools para sa Lightroom Preset: • Saturation - Ibaba hanggang -100, para ma-achieve ang xerox feels ng Mona Lisa. • Clarity - Itaas nang kaunti. I-highlight ang sayang suot ni Mona Lisa nang mangibabaw sa lahat ng larawan. • Click “Filter off.”
Teka lang, naghang.
Ay, Adobo Lightroom quit unexpectedly.
Eh kasi, bakit mo in-eedit ang isang likhang sining na hindi sa’yo?









