yung araw araw mu pa rin naiisip at nirereplay ng paulit ulit..at pilit mung sinasabe sa sarili mu na tama yung desisyon mu..nagbaback read ka ng mga mensahe nyo sa isat isa at iniisip kung lahat ba ng yun eh totoo o palabas lamang.
Tapos maiisip mu sya at iniisip mu kung kamusta na ba sya at kung iniisip ka din nya.
Pero teka lang..pwede ka nman nyang tawagan, pwede ka din nyang imessage..pero ni isa di nya ginawa..so kamusta naman ang self esteem ko?? Bagsak na naman!
Diko malaman kung sino bang gago smeng dalawa..o sadyang gusto ko lang din papaniwalain ang sarili ko dahil masaya ako nun sa piling nya.
O baka nman ako nnman ang mali at nagpadala nnman sa bugso ng damdamin at galit.
Bahala na..lilipas din toh..
Pero panay ang post sa ig story hoping na makita nya lahat ng post ko at maisip na ok nman ako ng wala sya..kahit mejo di totoo..😞












