walang ka vibes sadnu
so yun, isa po ako sa mga di pinalad na batch na nasama sa lintik na k12. edi yun dito sa bago kong school aba’y wala talaga akong mahanap na kabiyak ng aking puso!!!! yung alam mong magiging kabiyak mo hanggang sa huling hininga ganon hahhhaahhaha yung alam mong magiging kasangga mo sa hamon ng buhay, kasama mo sa mga unos at sa mga ligaya, kasabay mo mantrip at mangapi ng ibang tao, yung mapagbubuhusan mo ng mga hinanakit at pighati mo, yung ganon mga bes!!!!! feeling ko kasi hindi ko talaga sila kaugali lamnyuyon, yung parang pag biniro mo ichichika ka na don sa seatmate nya huhuhuhuhuhu eh alam naman ng lahat na napakasama at mapang api at gising na gising ako nung nagpasabog ng kalokohan ang langit. ewan ko ba may mga frenship naman ako pero alam nyo yung panandaliang frenship lang hahahhahaha hoy wag kayong magmalinis alam kong alam nyo yang ganyan hahahahaha yung alam mong ngayong una mo lang makakausap at makakasama pero pagtagal ng panahon hindi mo na makakausap at makakalandian. ganon naman kase diba talaga mga bes......pansamantala lang talaga ang kaligayahan........wew hahhaahhaha may pagemote hahahhaha ayun na nga wala talaga akong mahanap na konektado sa red string ko hahahahhaha wala akong ka red string sa room ok!! yung mga kaibigan ko kase ngayon hindi ko pa makita kung tunay ba yung ugaling pinapakita o kung tunay na nga yon aba medyo hindi ata kami talo. 1/8 palang ng kasiraulohan ko ang naipapasilip ko sakanila ngunit parang hindi na nila agad ako matatanggap huhuhuhu wala na talagang kasiguraduhan sa mundong to. ewan ko ba antay na muna ng tamang panahon ika nga ni alden at maine wow hahahahahha
(nu ba yan dat maganda dapat post ko kase comeback post ito eh!!!!!! wala na cruel world talaga)











