Ngitian lang natin yan
Ang laki na rin ng pinagbago ko. Kung dati, pag may nang aaway saken sinasagot ko, ngayon, hindi na. Mas tahimik pero may naiipong sama ng loob at tampo dahil na rin sa pagkasobra.
$LAYYYTER

❣ Chile in a Photography ❣
Keni
Cosimo Galluzzi
Claire Keane
PUT YOUR BEARD IN MY MOUTH
No title available
Sweet Seals For You, Always
occasionally subtle
tumblr dot com
"I'm Dorothy Gale from Kansas"
we're not kids anymore.
taylor price

No title available
Jules of Nature
ojovivo

JBB: An Artblog!
RMH

No title available
Not today Justin

seen from Australia
seen from United States
seen from United Kingdom

seen from Singapore

seen from Thailand

seen from United States

seen from United States
seen from South Africa
seen from Germany

seen from France
seen from United States

seen from Türkiye
seen from Brazil

seen from China

seen from Ireland

seen from United States
seen from United States

seen from Poland
seen from Türkiye
seen from Belgium
@akosicarol
Ngitian lang natin yan
Ang laki na rin ng pinagbago ko. Kung dati, pag may nang aaway saken sinasagot ko, ngayon, hindi na. Mas tahimik pero may naiipong sama ng loob at tampo dahil na rin sa pagkasobra.
Para po...
Magandang araw sa inyo. Para po sa mga nagtatanong kung mayroon na po akong trabaho, wala pa. Para po sa mga nanunulsol dahil sa magiging trabaho ko sana, hindi po kayo nakakatulong. Para po sa mga "atat", "nag-aapura" at ang "hilig magsuggest" na magkaroon ng trabaho, mawalang galang na po pero wala kayong karapatan na pagmadaliin ako kasi gumagawa po ako ng paraan. At higit po sa lahat, para po sa mga kumukwestyon sa natapos kong kurso, ipapaliwanag ko sa inyo nang maintindihan ninyo. Magsasalita na po ako kasi ang dami ko na naririnig na hindi maganda. Sa panahon po ngayon, napakahirap po ang makahanap ng trabaho lalo na po kung hindi lang ikaw ang graduate, diba? Ginagawa ko ang lahat ng paraan para may trabaho ako pero anong nangyayari, ang mga katulad ko ay hindi nabibigyan ng pagkakataon na maipakita ko ang aking kakayahan kahit na sabihin natin na nais mong matuto. Para po sabihin ko sa inyo, sa kursong tinapos ko, hindi lang po more on Theater and Media lang, maraming saklaw yun. Ngayon, kung hindi ninyo gets ang sinasabi ko, SHUT UP NA LANG KAYO kasi WALA PONG NAKAKATULONG SA INYO. Salamat.
LESSON LEARNED : Perks of a being Applicant
1) Huwag basta-basta magtitiwala sa isang tao na kakakilala mo pa lang sa unang araw ng iyong trabaho. 2) Kung mag aapply sa isang agency, siguraduhin na kasama siya sa LEGAL AGENCY under ng DOLE dahil marami ang nagkalat ngayon na agency na hindi trabaho ang habol sa inyo kundi SCAM o kaya PAGKAKAKITAAN lamang. 3) Kapag may nagtext sayo na HR na jejemon ang type o impormal, do research. 4) Ang pag aapply ng trabaho ngayon ay may dalawang bagay: Direct o kaya under sa Agency. It is better kung magdirect kayo sa company. 5) Start to trust yourself kasi ikaw ang magdadala nyan. If someone degrade your ability when it comes to work, huwag mo silang gantihan. Ipagdasal mo na lang sila. Yan ang mga natutunan ko matapos ang 1 taon na graduate ako. Oo, pag graduate ka madali kang makakapasok pero noon yun. Iba na kasi ngayon, mas mapili sila sa aplikante lalo na kapag bago ka.
Feeling Ko...
Feeling ko, walang nagmamahal sa akin. Feeling ko, ang tanga-tanga ko. Feeling ko, nasa akin na lahat ang problema. Feeling ko, lagi na lang akong didiktahan ng pamilya ko sa gusto kong mangyari. Feeling ko, wala akong kwenta at silbi. Feeling ko, wala akong kakampi at mapagkakapitan. Feeling ko, walang may pakialam sa nararamdaman ko. Feeling ko, lagi na lang ako ikukumpara sa iba kasi nga, wala pa akong nararating. Tama na! Masakit na! Ako na walang isip! Ayoko na!
Attempted to Sex
Masarap pero mahirap at ito ay isang kasalanan hindi lang sayo kundi sa buong pagkatao mo. Paano kung isang beses natikman mo na siya at nasarapan ka tsaka dahil sa masarap, hahanap-hanapin mo? Mahirap takasan ang ganung problema. Sobra. Kasi pag nandyan ka na sa isang sitwasyon at umayaw ka, hindi mo na matatakasan yun at isa pa, baka eto pa ang maging mitsa ng buhay mo. Dapat habang maaga pa, pag isipan nang mabuti ang gagawin. Kung makakatulong ba ito para sayo at sa kanya. Tama kasi sila eh, nasa huli ang pagsisisi.
Unconditional Love
Masarap ang magmahal, mahirap ang masaktan. I really admit it. Pero kung ako ang tatanungin kung ano mas masarap sa pakiramdam na yung mahalin ka o ikaw ang magmahal, pipiliin ko yung ikaw ang nagmamahal. Bakit? Kasi ikaw ang nagbibigay nun eh nang walang kapalit. Kapag nakikita mong masaya siya, ganun ka na rin. Kung malungkot naman, dadamayan mo. Yung papagaanin mo ang loob niya, okay ka na. Aaminin ko, isang taon at siyam na buwan na pala akong nagmamahal sa kanya. Bawat nangyayaring masaya ay detalyado ko. Kasi nga, ganun ako magtreasure ng bonding moments na kasama siya. Handa ako anytime sa isasagot niya pag once na nalaman niya yun. Buong tapang kong haharapin ang sagot niya. Positibo man o hindi, rerespetuhin ko iyon, dahil Mahal na Mahal ko siya. :D <3
Usaping CRUSH
CRUSH. Sabi nila, ito yung isa sa mga paraan para magkaroon ng RELATIONSHIP. Kapag naattract ka, may kakaibang pakiramdam nang makita mo siya, nasa harapan mo at bigla kang natulala, nakabanggaan mo nang hindi sinasadya, yan ang mga senyales ng mga mayroong Crush. Dagdagan mo pa nito, BESTFRIEND mo noon, CRUSH mo ngayon. Sa ating modernong panahon, masasabi kong NORMAL lang yan at mayroon tayong karapatan na magkaroon ng hinahangaan. Ako nga, noong high school years ko, napakarami kong Crush. Nang mauso ang KPOP at PPOP Sensation noong 2010, aba, halos silang lahat ay Dead na Dead ako sa kanila kasi ang gwapo nila at feeling ko, masaya silang maging kaibigan. Pero nung magcollege na ako, medyo nagbago ang taste ko pagdating sa CRUSH. Syempre, kahit dalawang buwan pa lang akong nag aaral sa PLV, I have a new one. Actually, almost two years ko siya naging Crush bago siya nagkagirlfriend. TAKE NOTE: Hindi ako nagkakaCrush sa mga may Girlfriend na. Hay naku, mahirap mapasubo sa alanganin. Depende na lang kung wala na sila at matagal na nakaMove On. Anyways, sobrang malungkot at masakit sa akin nang makita ko siyang may GF na, inisip ko na lang yung kaligayahan na mayroon siya hanggang ngayon. Nung 2nd year college ako, not just one but four ang mga crushes ko. Kaya kapag kinukwento ko sa mga bestfriends ko, isa lang ang nasasabi nila, "IKAW NA!" No comment na lang ako at titignan sila with smiling face. Sorry kung hindi ko na sinasabi kung sinu-sino sila, it is very CONFIDENTIAL at talagang hindi ko na pinangalanan pa. I hope you'll understand. Moving on, as the time na nag3rd year na ako, mas dumami pa ang mga crushes ko. Hindi pa kasama yung nasa outside ng PLV. Nang matatapos na yung 2nd semester, sa mga naging crushes ko, siya ang natira. Sa kanilang lahat, siya ang mas angat bukod sa matangkad siya, matipuno, mabait, matalino... Full Package na siya. Ngunit alam ninyo, mas naaAPPRECIATE ko pa sila lalo na kapag nalaman o sinabi mo na "CRUSH" mo siya, masaya ka kasi naOverwhelmed yung pagtanggap mo sa kanila. Eto matindi, halos lahat ng naging Crush ko... FRIENDS ko na ngayon lalo na yung mas matimbang sa puso, isip at kaluluwa ko.
LOVE: REJECTS ME
Eto yung pinakamasakit sa lahat kapag may CRUSH na talaga namang SIKAT tapos….. Marami kang KAAGAW!!!!! :’( IT IS REALLY SUPER DUPER HARD for me. Yung tipong NO COMMENT ka muna kahit SOBRANG NASASAKTAN na. Sino nga ba naman kasi ako para sa ibang tao na may gusto rin sa kanya? Wala naman akong KARAPATAN na PIGILAN ang mga Damdamin nila kasi FEELINGS ng bawat isa yun!!! I HATE THIS KIND OF FEELING AND I DON’T WANT TO CONSIDER AS A ” WORST FEELING for HIM. Mahal na Mahal ko nga siya pero, GANUN din ba siya? Nadadala na naman ako. Mahal ko nga pero may PILA papunta sa PILING niya. BAWAL kang SUMINGIT baka AWAYIN ka nila. Hay„, lagi na lang ba akong REJECTED SA LOVE? Hindi naman sa nagmamadali ako at kusa naman siyang darating pero BAKIT GANUN? Malapit na akong MAPAGOD at MAWALAN ng PAG-ASA na sana, mayroon din akong ganito at hindi na ako NAPAG-IIWANAN ng PANAHON.
CRUSH Turns to FALL IN LOVE
Sabi nila, kapag may LOVELIFE ka, you always feel happy. Yung hindi ka na mag-iisa kasi may kasama ka na. May makakakulitan ka, aawayin mo pero syempre kahit ganun, sobrang mahal mo na siya at VERY SPECIAL siya para sayo. Well, para sa akin, whether you're SINGLE or IN A RELATIONSHIP, wala namang batayan, in terms of LOVE. Sa maga taong single kasi, they are FREE sa kung anuman ang nais nilang gawin. Like ME. Almost 7 months na akong SINGLE buhat ng iwanan ako sa ere ng EX-BF ko. OO. Naiwan ako de oras. What the set!!! :3 But it's okay kasi mas masaya na ang buhay ko nang mag GO AWAY siya. Nagpakabusy ako sa mga bagay ng talaga namang inenjoy ko. Tulad ng paglalaro ng Volleyball, sama mo pa dyan yung Badminton. Oha! AKO YAN eh! Syempre, dahil single ako, sa dinami-dami ng mga naging CRUSHES ko, isa lang ang natira. Itago na lang natin siya sa pangalang MR. @#&+(). :PTaray ng name niya, diba? LOL. Naging CRUSH ko siya kung..... kailan matatapos ang 2nd Semester. :( Medyo naiinis ako sa sarili ko dahil sa pinagsamahan namin halos sa loob ng 1 taon at kalahating buwan, eh doon lang talaga ako naSTARSTRUCK ng bonggang bongga. Akala ko nga noong una, naINFALTUATE mode na naman ako pero this time, hindi talaga eh. Pwede bang umamin??? Hindi ko lang siya CRUSH, TAMANG IN LOVE na itong nararamdaman ko. Kaso, NAPAKAIMPOSIBLE. To the point na marami kayong DIFFERENCES sa isa't isa lalo na yung ESTADO SA BUHAY. Malayo na ang NARATING niya samantalang ako, MAGSISIMULA pa lang. Ayoko naman maging "CERTIFIED ASYUMERA" kasi hindi ako ganun. Everytime na magkakasalubong kami kahit saan, lalo na kapag EYE TO EYE CONTACT na kayo... Oh My! I can't breathe. Super duper kinikilig ako. He APPRECIATE those little things kaya VERY THANKFUL ako kay TATAY GOD. :D I wish na sana, balang araw, magkakilala pa kami nang husto at makaDATE ko siya sa mismong 20TH BIRTHDAY ko on FEBRUARY 5, 2015. :D
Unang Script ko sa Playwriting :D
https://www.facebook.com/ajax/messaging/attachment.php?attach_id=e670e5d7f25aef51aade2d052ccf1834&mid=mid.1393943365705%3Ae514fcea9312a91a93&hash=AQAri4EwygG8vPck
Ang Panghihiram ng Isang Estudyante sa PLV Library
FOI Bill, Dapat Na Nga Bang Ipasa?
Marami na ang usap-usapan tungkol sa FOI Bill kung dapat na nga ba itong ipasa at mapabilang sa isa sa mga batas ng Senado. Pero bakit sa lahat ng mga ito, ang FOI Bill ay hanggang ngayon, hindi pa rin naisasabatas? Kung tutuusin, mas nauna pa ito kumpara sa iba. Bago ang tungkol dito, ano ang FOI Bill?
Ang Freedom Of Information Bill (FOI) ay mas kilala sa tawag na People's Ownership of Government Information (POGI) at ito ay nasa ilalin ng Senate Bill 3208 na kung saan ito ay binibigyang prayoridad sapagkat eto ang magiging susi sa pagbabago ng ating bansa.
"Halos 22 senators ang pumirma sa committee report. Si Senate President hindi pa dahil siguro hindi pa niya nakikita yung report," ani Senador Gregorio Honasan.
Kaya ang lumalabas, nais na nilang ipasa ang FOI Bill sapagkat mayroon tayong makukuhang benepisyo dun. At hindi lang yun, dito masusukat ang tiwala ng mga Pilipino mula sa Gobyerno. Bagamat may mga senador pa rin ang nagtatanong tungkol dito. Bilang isang mamamayang Pilipino, nais mo na bang maipasa ang bill na ito at tama ba na eto muna bago ang iba?
MICHAEL V.: KOMENDYANTENG WALANG KATULAD
Isa siya sa mga pinakakilalang personalidad sa ating industriya ngayon. Matuturing na isa rin siya sa mga mahuhusay at bigating artista dahil sa angking talento sa larangan ng pagpapatawa na kung saan ito ang mahirap na atake sa mga manonood. Ngunit bago siya naging komedyante, nag-umpisa siya bilang isang rapper. Ang unang komposisyon na ginawa niya ay ang Maganda Ang Piliin bilang sagot sa rap song ni Andrew E. na Humanap Ka Ng Panget noong 1991.
Si Michael V. o Beethoven del Valle Bunagan sa totoong buhay ay ipinanganak noong ika-17 ng Disyembre, 1969 sa Pandacan, Manila. Siya ay nag-aral ng hayskul sa Manila Science High School. Nagtapos siya sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila sa kursong AB Mass Communication. Noong siya ay estudyante pa lamang, ang ugali niya ay sobrang mahiyain at hindi niya iniisip na magiging ganito kaunlad ang buhay niya sa hinaharap.
Marami na siyang nagawang pelikula gaya ng Banana Split ni Joey Marquez at ito ang naging unang pelikula niya sa Regal Films. Mas nakilala siya sa OctoArts dahil sa mga pelikula niya na kasama ang iba pang komedyante na sina Vic Sotto, Francis M., at marami pang iba. Ang screen name niyang Michael V. ay hango sa dalawang mang-aawit na sina Michael Jackson at Gary Valenciano na pareho niyang hinahangaan. Dagdag pa nito, eto yung uso at patok sa mga tao na kung saan ang kanilang apelyido ay gagawin nilang “single initial” katulad nina Francis M. at Andrew E. noong 1990s.
Noong 2004, 2005 at 2006, nanalo siya sa Asian Television Awards bilang “Best Comedy Performance”. Naging cover din siya sa September 2008 Issue ng Reader’s Digest para sa kanyang 5th Annual Humor Special. Bukodsa parangal at pelikula na kanyang nagawa at natanggap, may mga TV shows at Gag shows din siyang pinagbidahan gaya ng Bitoy’s Funniest Videos, Jillian, Namamasko Po!, Bubble Gang at Pepito Manaloto. Sa ngayon, isa rin siya sa mga hosts ng variety show sa GMA 7, ang Eat Bulaga.
"Ilang kongresista at senador na kakasuhan, IKUKUMPIRMA na!"
Ikukumpirma pa lamang ang ilang kongresista at senador na maaaring kasuhan sa Office of the Ombudsman dahil sa pagkakasangkot nila sa anomalya nitong Martes.
Ayon kay DOJ Secretary Leila De Lima, "Meron hong mga nakinabang and therefore kakasuhan at meron din pong naging biktima lang so syempre, hindi po namin kakasuhan."
Dagdag pa niya, sinabi ni De Lima na nabisto na ng NBI ang taktikang ginamit na nasa likod ng anomalya.
Sa kabila ng mga kahilingan ng ilang mambabatas na tukuyin ni De Lima ang mga kakasuhan, nanindigan siyang isisiwalat niya ang mga ito kapag natapos na ang imbestigasyon sa NBI.
http://For academic subject
Natukoy na dehydration ang sanhi ng pagkamatay ng dalawang batang lalaki na natagpuang walang buhay sa isang sasakyan sa Brgy. Wawa.
Ayon kay Chief Supt. Jose Erwin Villacorte ng SPD, naiwan ang dalawang bata sa loob ng sasakyan batay sa pagsusuri ng SOCO.
Kinilala ang dalawang batang sina Dayn Buenaflor, 3 at James Vibo Naraga, 4. Natagpuan sila sa loob ng isang itim na sasakyang may plate number na UGX 606 na nakaparke malapit sa bulwagan ng Brgy. Wawa, Martes ng umaga.
FoSa ngayon, nakaburol ang mga labi ng dalawang bata sa Our Lady of Loreto Funeral Homes sa BIcutan, Taguig City.
DJ Spiel ko :)
"Magkaibigan, nagsapakan sa bilyaran!"
Isang menor-de-edad ang nanuntok ng kaibigan habang nakikipaglaro ng bilyar noong huwebes ng madaling-araw.
Ayon sa inilahad na pahayag ng kapatid ng biktima, nagkaroon ng matinding alitan at dayaan ang magkaibigan sa kanilang laro sa bilyar at matapos iyon ay bigla na lang nanuntok sa kanang dibdib ang suspek.
Samantala, kasalukuyang nagpapagaling ang biktima sa Valenzuela Medical Center.
#RadioNews