Captain America: Civil War
Ang pelikulang Captain America: Civil War ay isang napakagandang pelikula in terms of cinematics at sa mensahe na iparating nito. Ang istorya ng pelikulang ito ay meron dalawang mag kaibigan na superhero kung saan ay ang kaibigan ni Captain America ay nabrainwash ng isang organisasyon ng mga masasamang tao na tinatawag na Hydra. Ang kaibigan ni Captain America ay pinangalanang “Bucky Barnes”, si Bucky ay isang notorious na kriminal sa pangalawang palabas ni Captain America. Ang Avengers naman ay nais kontrolin ng gobyerno nung panahon na iyon dahil madami daw ang nadadamay na mga inosenteng mamamayan sa mga laban nila. Kaya’t gumawa ng batas ang United Nations upang maayos na maisauri ang mga misyon ng mga avengers.
Ngunit nung araw ng pag sasabatas, sumabog ang conference room na punong puno ng mga presidente ng iba’t-ibang bansa at ang sinisisi nila ay si Bucky. Pagkatapos ay pinuntahan ng gobyerno si Bucky upang hulihin, ngunit nahirapan sila dahil tinulungan siya nila Captain America at ng mga kaibigan niya, pero nahuli parin sila. Nangg nakakulong na si Bucky, may lumapit sakanyang nagpanggap na psychologist upang tulungan siya, ngunit hindi iyon ang nais ng taong ito, siya pala ang may pakana ng lahat at biglaan niyang nasabi ang misyon tungkol sa iba pang mga sundalo na katulad niya pero mas malakas. Kaya’t pinuntahan ng masamang tao na iyon ang sinabing lugar ng mga ito.
Biglaang nagkagulo sa base nila at biglang tumakas narin sina Captain America. Ngunit may bagong problema dahil doon sa lalaki na nagpasimuno ng kaguluhan kaya nais siyang sundan nila Captain America. Nang paalis na sila sa airport biglang dumating sina Iron Man na ngayon ay kaaway na nila dahil sa di pagkakaunawaan, at sumulpot din si Spiderman. Doon nag away-away sila hanggang sila Captain America at si Bucky nalang ang nakatakas upang puntahan ang kontrabida. Nang pag dating nila sa isang lugar na malamig, mayroong bunker na bukas kaya’t pinasok nila iyon dahil alam nila na nandoon ang kontrabida, di tumagal sumunod si Iron Man sa pinuntahan nila. At doon sila ay nagtagpo at muntikan na mag away pero biglang sinabi na ni Iron Man na alam na niya ang katotohanan at tutulong siya sakanila.
Nang natagpuan na nila ang kontrabida, may pinakita siyang video na nagpapatunay na si Bucky ang pumatay sa mga magulang ni Iron Man, kaya bigalang nagalit siya at inatake ang magkaibigan na sina Bucky at si Captain America, hanggang sa tumigil sila nung natanggal ni Iron Man ang robot na kamay ni Bucky.
Sa kabuuan, ang Captain America Civil War ay isang napakagandang pelikula. Lalo na sa mga katulad kong mahilig sa “action movies” dahil ang palabas na ito ay punong - puno ng labanan, hinding hindi ka mabibitin. Hindi lamang sa mga labanan ika’y hindi mabibitin kundi sa istorya rin mismo nitong palabas na ito. Mayroon din itong isang elemento ng mga palabas na nagiging rason kung bakit nagugustuhan ng isang manunuod ang isang pelikula, ito ay ang tinatawag na “Plot Twist”. Nirerekomenda ko ang pelikulang ito sa lahat ng tao dahil ang palabas na ito ay bagay para sa lahat.
















