Misplaced Lens Cap
No title available

★

oozey mess
One Nice Bug Per Day

Kiana Khansmith
Stranger Things

Origami Around
AnasAbdin

ellievsbear
YOU ARE THE REASON
trying on a metaphor
Aqua Utopia|海の底で記憶を紡ぐ

Andulka
I'd rather be in outer space 🛸
hello vonnie

Discoholic 🪩

❣ Chile in a Photography ❣
almost home

Janaina Medeiros

seen from Singapore

seen from United States

seen from Italy
seen from Malaysia
seen from Malaysia

seen from United States

seen from United States

seen from Italy
seen from Peru

seen from Australia
seen from Italy

seen from Malaysia
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United States
seen from United Kingdom
@beagraziela
Dahan dahan
Wag mamadaliin
Hinding hindi pipilitin
Hangga't kaya
Habang kahit papaano'y buo pa
Hinding hindi mawawala
Ngunit kung dumating man ang oras
Kapag ang panahon ay lumipas
Ipapaalam ko naman na iyon na ang wakas
Huwag mag-alala
Susubukang balikan ka
Iiwanan ko lang lahat ng alaala
Iwan mo ang nakaraan Iwan mo ang sakit na kanyang dinulot Hindi dahil sa ika'y malungkot Kundi dahil natuto kang huwag matakot
Iwan mo ang nakaraan Iwan mo siya ng may ngiti sa iyong mukha Hindi dahil naging kuntento ka Kundi dahil natuto kang maging maligaya
Iwan mo ang nakaraan Iwan mo lahat Hindi dahil ayaw mong maalala Kundi dahil, siguro, natauhan ka na
Iwan mo ang nakaraan Iwan mo siya ng taas noo Hindi lang dahil siya ay nalagpasan mo Kundi dahil kahit papaano, ikaw ay naging buo
People watching
Nakaupo habang umiinom ng tsaa Dahan dahang bubuksan ang dalang kaha Unti unting pagmamasdan Mga tao na kanina pa daan ng daan Saan kaya sila pupunta? Bakit nasa labas pa sila, e gabi na. Kung sabagay ako rin ay nandito pa Heto nga at nakakapagsulat pa ng tula Ang tagal ko nang 'di nagagawa ito Yung umupo lang at manood ng mga tao Huhulaan mo ang kanilang mga kwento Habang sila'y naglalakad at ikaw nama'y nakaupo
Limang bagay... at isa pa
Una. Hindi ko ginusto na magkaganito. Masaya naman tayo dati, Bakit kailangan umabot sa panahong halos parang wala nang babalikan? Paulit-ulit ang mga kaganapan. Ni hindi ko alam kung saan na napunta ang nakaraan. Pangalawa. Hindi ako nagkulang sa pagpapaalala. Sa tingin ko naman ay ginawa ko ang aking makakaya Upang mapigilan Upang walang masaktan Pero bakit gano'n Tila walang pakisama ang panahon Pangatlo Ilang beses ko ba kailangang magpayo Ng mga bagay na sa tingin ko'y makakatulong upang mabago Ang takbo ng ating buhay Na kahit mahirap Na kahit masakit Hindi ko intensyong ang aking mga opinyon ay mukhang sayo ipinipilit Pang-apat Nasasaktan na ako. Ang dami dami nang nangyayari sa mundo Na tila ba kada galaw ng aking katawan Ako'y unti unting hinuhusgahan Dahan dahang minamata Pati ng mga nilalang na hindi ko kakilala Pang-lima Ayoko ng ganitong pakiramdam. Sana matapos na ang lahat ng kaguluhan Para naman magbalik na tayo sa dati nating kasiyahan. Yung katulad ng mga halhalang wala tayong pakialam sa ibang tao Na sa kabila ng kaguluhan ng mundo Ang tanging mahalaga lamang ay magkakasama tayo Pagod na 'ko, oo. Nasasaktan. Nahihirapan. Pero ito lang ang tatandaan mo. Nasasabi ko ito kasi may nagmamahal pa rin sa'yo Ako.
Para sa isa ko pang blog.
Isang pamamaalam sa dating minamahal
Hindi kailangan maging isang makata Upang ipahatid sa iyo ang aking nadarama Kaunti lamang ang salitang kakailanganin Kaya't kung maaari ito man lang ay iyong dinggin Hindi na kakayanin na maghintay pa Heto na at sasabihin ko na Mukhang nais mo naman palang maging malaya Kaya paalam. Ayoko na. Tama na. ××××
Ang gusto ko lang naman ay ipaglaban mo ako
"Ang gusto ko lang naman ay ipaglaban mo ako."
Paano? Kung sa una pa lang ay ikaw agad ang sumuko. Tuloy lang sa pagtakbo, hindi humihinto.
"Ang gusto ko lang naman ay ipaglaban mo ako."
Bakit? Ni ikaw ay hindi na rin sigurado sa nararamdaman. Gumagawa ng mga bagay ng hindi pinag-iisipan.
"Ang gusto ko lang naman ay ipaglaban mo ako."
Sino? Ikaw na unang sumira sa pangako ng walang hanggan. Ang bilis mo naman atang malimutan ang nakaraan.
"Ang gusto ko lang naman ay ipaglaban mo ako."
Talaga? Sana noon pa sinabi mo na. Para hindi na tayo parehong nanghula.
Dahil ang gusto ko rin naman ay ipaglaban mo ako.
Kasi mahirap. Kasi masakit. Kasi kahit anong gawin ko Ikaw pa rin ang nilalaman ng aking puso.
-fin-
Isa-isang tumutulo Dahan dahang lumalabas Ang damdaming matagal na itinago Dulot ng isang pagkakataong lumipas Hindi inakala na aabot sa ganito Sinikap na sarili'y maging buo Ngunit paano ito magagawa Kung ang nagpapatakbo sayo ay tuluyan nang nawala? Kakayanin mo pa rin bang magpatuloy? Sasabayan pa rin ba ang buhay sa pagdaloy? Walang sumasagot ng diretso Kahit ikaw sa sarili mo, litong lito Ang gulo gulo na ng mundo Dahil sa mga salitang binibigkas mo Tama pa rin ba ang sinasabi ko Sa tulang naisipang isulat sa gabing ito? Kaya pa ba? Kung sa dapat ay kakayanin. Kung kailangan, gugustuhin. Wag mo na lang sana ulitin. Kasi mahirap na ganito ang nadarama Kahit anong pilit, hindi siya masaya Kaya kahit alam ko na kaya pa, Ang sasabihin ko na lamang ay 'tama na.'
Stop
Stop comforting me when you keeep hurting me Stop going back and forth, you’re making my dizzy Stop confusing me over and over again It’s not healthy It’s not happy
Stop leaving me hanging in conversations Stop crushing my feelings one by one Stop trying to fool me into thinking that everything’s okay It’s not safe It’s not okay
Stop doing things you don’t want to Stop making a fool of yourself Stop forgetting how to truly live It’s not pretty It’s not great
Stop dragging me down Stop dragging yourself down Stop bringing up things unwanted It’s not real It’s nothing
Pamilya
Alam niyo ba kung bakit hindi na ako makuwento?
Kasi hindi naman kayo nakikinig. Kasi twisted yung paniniwala niyo. Kasi yung gusto niyo lang yung dapat na nasusunod.
Alam niyo ba kung bakit ako napipilitang humiwalay?
Kasi nakakasakal na. Kasi hindi niyo na alam kung paano mag-alaga. Kasi hindi na kayo marunong umunawa.
Alam niyo kung bakit ayaw ko na?
Kasi ang alam niyo lang gawin ay manlait. Kasi hindi niyo alam na kayo'y nakakasakit. Kasi kahit ano namang gawin ko, wala akong mapapala.
Huwag kayong mag-alala. Magiging maayos rin ang lahat. Konti nalang naman Ako'y makakalaya na sa hawlang tinatawag kong...
I am not perfect In any way I try to be the best that I can be I try not to disappoint anyone I want to make evryone proud
Proud to say that I'm their daughter Proud to say that I'm their sister Proud to say that I'm their lover Proud to say that I'm their friend
But I guess, I'm not doing things right Because for some reason, Everything that I've done Is not enough
All I want is for someone to understand For someone to care All I want is for that someone to be the person whom I love And who loves me for me
A person who won't ask questions like why I'm here Why I'm still here Won't doubt my presence Won't doubt my love
Is that hard to ask? Am I being harsh to ask such a thing? Am I unfair?
What's wrong of wanting something Something that would make me happy Something that I know I can only get away from home Something that I know I can only get from you?
Hanggang Dulo
Sa dami ng oras na kapiling ka Kahit minsan hindi ako nangamba Alam ko sa sarili ko, sinta Ikaw at ako lagi sa t’wina
Ilang beses kong sinabi Kakayanin pa ba ng sarili Desisyon ay paninindigan Hanggang dulo, walang iwanan
Alam kong alam mo Lahat ng tao’y nagbabago Ngunit kung tungkol sa akin at sa’yo Pipiliting hindi maglaho
Pagmamahal na hindi inakala Dumating, napakahiwaga Kung alam mo lang kung gaano kasaya Ang makapiling ka
Ang takot ay nariyan pa rin Hindi mawawala kahit anong sabihin Nangangako lang ako na ika’y mamahalin Hanggang dulo, sana ikaw rin.