071716
Dalawang taon na ang nakalipas pero mahal pa din kita, minamahal pa din kita kahit nawala ka na. Pero ngayon pinipili ko nang tumigil, tumigil magmahal at umasa sa wala. Wala nang patutunguhan pa, ang hirap umasa at pang hawakan ang mga huling salitang binitiwan mo sa akin. "Huwag kang magmadali,nandito lang ako, dadating din tayo dyan kung tayo talaga." Nagiintay ako, nagpaparamdam ako pero nagbago na nga ata ang lahat, ako nalang ata ang nakakapit sa mga bawat salitang yun. Nawala ka na, nawalan ka na ng tuluyan. Walang paramdam, kung meron man nanlamig na. Wala nga talagang permanente sa mundo, dahil ang lahat ay nagbago. Kahit anong pilit kong talikuran ka, ikaw pa din ang gustong balikan. Kahit na ako'y iyong nasaktan. Ikaw pa din ang gusto, dahil ikaw ang paborito kong yugto. Kung ikaw man ay manunumbalik, magsimula tayo ng panibago sapagkat ang nakaraan natin ay kailangan ko ng iwan. Pero sa puntong ito, gusto ko na munang tumigil sa pagmamahal sa'yo dahil gusto ko nang tuluyan maging masaya. Masayang mag-isa. Nagmamahal ng lubos, Abbery๐น










