How to Find your One True Love? ๐ค๐๐ฉโโคโ๐โ๐ฉ
By Mamay Jane
Paano nga ba mahahanap ang iyong one true love?
Ang totoo nyan, hindi naman talaga yan hinahanap, kusa lang yan dumadating.
At hindi naman yan kusang nagtatagal, eto ay pinagtatrabahuhan ng dalawang tao na nasa isang relasyon para mapagtibay ang pagsasama. ๐
Noong teenager pa ako, late bloomer siguro talaga ako kasi kahit high school na ako, mukha pa din akong elementary kaya siguro walang nanliligaw sa akin noon hanggang college.
Although me mga crushes o nagkaroon din ako ng 2 weeks boyfriend nun, masasabi ko na it is not really the right time for me to be in the relationship that time. ๐ค
Kasi bata pa din ako.
Nasa right timing lang din talaga pero syempre hindi ko pa alam nun, ang iniisip ko, bakit kaya?
Pangit ba ako? Kapalit-palit ba ako? Chos! ๐
Pero nung dumating ako sa age na tanggap ko na ang pagiging single ko na parang kahit no bf since birth ang peg ko, naging happy na ako at enjoy sa pagiging single life ko nun at dun naman nag-umpisa magsidatingan ang mga manliligaw ko na parang kabute (Wow! Akala mo naman ang dami). ๐
Pero pinag-pray ko na sana yung maging bf ko, yun na makatuluyan o mapangasawa ko kaya kapag me nanliligaw sa akin na ayaw ko talaga, basted na agad, di ko na pinatatagal pa para di na umasa pa. ๐
Hanggang sa nakilala ko na ang aking one & only pero nung una wala pang attraction, naging magkaibigan lang muna kami hanggang sa unti-unti na sya nagpapansin at nagparamdam sa akin. ๐
Sa totoo nyan, 2nd choice ko lang sya nun kasi medyo malayo agwat ng edad namin, kuya pa nga ang tawag ko sa kanya nun kaya lang yung 1st choice ko na kaedaran ko, parang wala naman amor sa akin nun kaya I end up with the #2 choice! ๐
But still God's answered prayer kasi kahit LDR kami ever since at kahit naging mabilis lang ang lahat sa amin (dahil sa una, parang awa pa lang dahil pagka-proposed nya sa harap ng simbahan bago kami mag-simba, pagkatapos magsimba, feeling nya sinagot ko na sya kaya sabi ko, sige nga, subukan ko sya maging bf ๐ ) at naramdaman ko naman na kami talaga para sa isa't-isa kasi kahit na we have so many differences, we are still perfect for each other. ๐
Nalagpasan naman namin lahat ng trials sa aming relasyon at eto na nga, may 2 kids na kami, 19 years together & 16 years married! ๐ฉโ๐ฉโ๐งโ๐ฆ
Alam ko madami pa kami pagdadaanan pero basta isapuso at isaisip lang namin pareho na habambuhay kami magsasama, with prayers palagi, lots of love, understanding at more patience lang sa isa't-isa, I believe and have faith na matutupad din namin yun. ๐๐
๐ทยฉOwner
#BossMommay
#wife #mommyblogger #pinayblogger #familyblog #truelove #love #lovelife #relationship #relasyon #relationshipblog













