Costing :D
Nawiwindang na nga ako sa sandamakmak na i-eencode na inventory sa incoming, WIP at outgoing....pinakita pa sakin kanina ng Manager ko ang i-aassign nya saking Costing. :O Dun ko narealize na hindi lang pala sa simpleng paggawa ng check voucher, SI, payment advise,tax requirements at kung anu-anong schedule ang world of accounting. Akala ko dati mejo marami na kong alam.. wala pa pala. Nakita ko ang mga totoong pagcocompute ng lahat ng halaga ng bawat kilos at materyales para lang magawa ang product namin. Pati oras siguro sa CR ng mga tao, bayad at kasama sa halaga ng product. HAHAHAHA
Pero nung nakita ko yun kanina... Isasama ko na lagi sa prayers ko na magampanan ko yun bilang pinagkakatiwalaan na naman nila ako. :)
Praying for wisdom in Jesus name, Amen. :)












