Ang Wikang Filipino ay:
1. Hindi pangmasa, bakya, jologs, pampalengke, pangkalye, o pangshowbiz lamang ang Wikang Filipino
Madalas natin napapakinggan ang wikang Filipino bilang pang-araw-araw na wika kaya't ito ay naging isang wika na nauunawaan ng lahat. Bilang isang wika na nauunawaan ng lahat at wikang pambansa ng Pilipinas, aakalain na mataas rin ang kalagayan nito sa bansa. Subalit imbis na maganda ang katayuan ng wikang Filipino, ito ay naging isang wika na kapag ginamit ay tinitingnan nang mababa ng karamihan. Ito ay tinatrato na wIkang pangmasa, bakya, jologs, pampalengke, pangkalye o pangshowbiz lamang. Upang malaman natin ang rason kung bakit ito ang naging kalagayan ng wikang Filipino, kailangan natin tingnan ang kasaysayan ng Pilipinas.
Ang Pilipinas ay sinakop ng tatlong bansa bago ito nagkaroon ng kalayaan. Sa paglipas ng mga taong tayo'y nasakupan, nadebelop ang kolonyal ng kaisipan ng mga Pilipino na nagsasaad na ang dayuhan na bagay ay superyor. Dahil dito, umusbong ang wikang Ingles bilang isang wikang propesyonal at max eksklusibo kumpara sa wikang Filipino. Naging mataas ang pagtingin ng mga tao sa mga gumagamit ng wikang Ingles at naging mababa para sa wikang Filipino.
Subalit, para sa akin, ang wikang Filipino ay malayang at mas magandang gamitin para sa iba't ibang bagay. Ito ang ating wikang pambansa na dapat natin ipagmalaki sa lahat ng tao. Dahil ito ay isang wikang naunahan ng lahat, mas kapaki-pakinabang na gamitin ito. Ang wikang Filipino ay nagtataglay ng ating kultura ng ating mga ninuno kaya't dapat mataas ang pagtingin nito ng mga tao. Kaya't bilang isang Pilipino, kailangan natin ipagmalaki at tangkilikin ang paggamit ng wikang Filipino sa lahat ng bagay.
2. Ang Wikang Filipino ay Wika ng Akademya sa loob at labas ng bansa. Kung gayon, ay wikang intelektwal
Maaaring isipin ng karamihan na ang wikang Filipino ay ginagamit lamang sa Pilipinas dahil sa mababang pagtingin ng mga tao sa bansa. Ngunit, ang wikang Filipino ay hindi lamang ginagamit sa loob ng Pilipinas, ito ay ginagamit at natutunan ng mga dayuhan sa iba't ibang bansa tulad ng Russia, Switzerland at Germany. Ang pagkakaroon ng interes ng mga dayuhan sa wikang Filipino ay isang malaking bagay dahil sila ay naglalaan ng oras upang matutunan ang wika natin. Dapat natin tanggapin na maganda talaga ang wikang Filipino at hindi lamang isang wika na walang silbi. Dahil dito, dapat tingnan ng mga Pilipino ang wikang Filipino bilang Wika ng Akademya sa loob at labas ng bansa at bilang isang wikang intelektwal.
Sa mga nakaraang taon, maraming ginawang paraan ang mga iba't ibang tao na itaguyod ang paggamit ng wikang Filipino sa akademya, batas at iba pa. Ito ay kanilang ginamit sa iba't ibang pananaliksik at mga propesyonal na bagay. Dapat natin ipagpatuloy ang kanilang pagsisikap na tangkilikin ang wikang Filipino at patuloy na gamitin ang wikang ito.
Bilang konklusyon, tayo bilang mamamayang Pilipino ay dapat tuluyang gamitin ang wikang Filipino sa lahat ng bagay. Ito ay dapat tangkilikin at ipagmalaki sapagkat nakapaloob dito ang kultura ng ating mga ninuno. Kaya't dapat mataas ang pagtingin natin sa mga taong gumagamit ng wikang ito.
















