Batis ng Pagkakaibigan
Ang pagkakaibigan ay hindi nasusukat sa bilang ng mga araw na kayo ay magakilala hindi maging sa kung sa gaano na kayo katagal na magkasama at lalong hindi sa kung sa gaano kayo kadalas magkita, dahil ang isang tunay na pagkakaibigan ay hindi nadidiktahan ng panahon, layo at maging ng mga bagong bagay at taong dumarating sa buhay ng dalawang taong magkaibigan. Ang pagkakaibigan ay binubuo ng pagpapatawad at pagdadamayan sa hirap at sa ginhawa. Isang napakalalim na relasyon kung titingnan na mga simpleng bagay at masasayang ala-ala ang laman.














