โBAKIT DI PA KAYO NAGPAPAKASAL?โ
ย Why do I have to be asked every single time?
Sa totooo lang, pag may nagtatanong ng ganon, gusto ko hawakan yung kamay niya, himas himasin yung likod hagud hagurin, sabay sabing, โPasensya ka na kasi pati ako hindi ko din alam kung bakit hindi pa kami nagpapakasal hanggang sa ngayon.
Tapos, makakakita ka, mga kaibigan, kaopisina, kakilala, di man mayaman pero kayang magpakasal- minsan grande, garbo, bongga- kasi kaya at may trabaho. Meron din naman mga sakto lang pero pinipili na maging simple- sa sibil nagpapakasal. Kaya naman nila magpakasal. ย Pero bakit? Bakit si jeff hindi niya kayang gawin.
ย Sa ilang taon naming pagsasama, hindi na siguro mabilang kung ilang beses ko siya tinanong, kung ilang beses ko siyang inaway at kung ilang beses na din ako umiyak dahil dun. At kung hindi mga rason na pera, di pa panahon, o basta darating na lang, sasabihin niya naman, AKO DAW ANG MAY PROBLEMA. Na hindi daw kasi ako mabuting tao, na palasigaw daw ako, all in all nasa akin ang problema kasi marami daw siya reklamo sa akin. AKO ANG MAY PROBLEMA.
Ako ba talaga? Bakit niya ako tinitiis pakisamahan sa bahay? Bakit sinasabihan pa din naman niya na mahal niya ako? Bakit di pa din naman kami naghihiwalay? Bakit maayos pa din naman kami kahit sabihin niya ako ang may problema?
Ako ba talaga ang may problema?
O, baka naman siya talaga ang may problema?
Siguro, sadyang di pa din talaga siya nakapag move on sa kung anu mang naganap sa pamilya niya?
Kagabi, September 19, 2017, iniyakan ko na naman to eh. Tong letseng kasal na to.
Naiinis kasi ako sa sarili ko everytime na may kinakasal na kakilala naming. Naiinis kasi ako kasi eto na naman nagseself pity na naman ako, nagtatanong naman ako, bakit ako, hindi pa, bakit ako, hindi pa din talaga pakakasalan.
ALAM MO YUNG NARARAMDAMAN KO?
Alam mo yung pakiramdam na nagreview ka, tapos surprised na graded recitation, tapos saktong ikaw na dapat sasagot, at alam mo yung sagot, pero sa sobrang kaba mo di ka makapagsalita. NAKAKALOKA
Yung may gusto kang design ng sapatos pero nung naghanap ka ng size, ubos na size mo. SAYANG
Yung nagreview ka, okay ka sa exam, pero di mo pa din abot grade na gusto mo. FRUSTRATING.
Yung ginawa mo ng lahat para okay kayo, para masunod lahat ng gusto niya, yung binuo mo lahat ng pangarap mo sa isip mo na kasama mo siya, minahal mo siya pinagsilbihan inialay mo buhay mo mas mahalaga pa siya kesa sa sarili mo, tapos malalaman mo lang, WALA KA PALANG LUGAR SA BUHAY NIYA, NA HINDI KA KAILANMAN SASAPAT.
Na pagkatapos ng lahat lahat, di ka niya pakakasalan kasi, basta ang sagot, ikaw lang ang may problema. IKAW LANG. BASTA ANG SAGOT EH HINDI. YUN NA YUNG SAGOT.
ย ย Ang sakit isipin, pangit ba ako?
Bakit pa ba kami nagsasama? Pinagtitiisan lang ba pala ako?
Yung, ano pa bang kulang? Ano pa ba?
Hindi pa ba talaga ako sasapat?
Kasi? Hindi pa ako tanggap ng tatay niya?
Kasi?
Kasi?
Kasi?
Hindi ako ang gusto niya makasama habang buhay.
Hindi ako ang para sa kanya?
ย Ano kaya plano ni Lord?
Alam ko may sagot si Lord, pero suspense, hindi pa niya sasagutin sa ngayon. ย









