Sino nga ba sa atin ang wala’ng hinahangaan?
Sa palagay ko, lahat tayo ay meron.
Ang sarap gumising sa umaga na sya agad nasa isip mo no?
Yung pagmulat pa lang ng mga mata mo, ngumingiti na rin pati mga labi mo
Yung inaalala mo pa lang ang kanyang muka
May kilig ka nang nadarama
Yung araw-araw nananalangin ka na makita mo sya
Yung mangitian ka manlang nya
O kahit makasalubong mo man lang
Nag-antay ka na ba ng matagal sa reply nya?
Yung kahit simpleng “K” lang masaya ka na,
or kahit sticker na baboy na kumakaway manlang
Nakakatawa’ng isipin kahit simpleng bagay sumasaya ka na
Yung wala pa sya’ng ipinapakita sayo
Pero pakiramdam mo buo’ng buhay nya
Minsan, pagod ka paguwi mo sa galing sa Eskwelahan
Stress ka sa maghapong pag aaral
Depressed ka sa natatanggap mong resulta ng Exam
Pero masilayan mo manlang sya
Pinapawi nya lahat ng bigat na mga ito
Pagod na pagod na yung tao’ng yun
Kasi sya lang ang tumatakbo sa isipan mo
kahit hindi ka nya napapansin
kahit hindi ka nya nangingitian
kahit hindi ka nya kinakausap
Pinangako mo pa rin sa sarili mo
Na kahit dinededma ka lang nya
Habang buhay mo pa rin sya hahangaan
At pinakamasakit sa lahat
Nakatatak ang Pangalan nya