Say whuuuut?
Ala una kinse nang dumalaw ako sa'yo.
Agad mo akong pinapasok, dahil alam mong darating ako.
Pinahiga mo ko, medyo kinakabahan na.
Sabi mo, "Nganga ka lang at akong bahala sa'yo."
Masunurin naman ako.
Unang pasok mo, medyo namanhid na ako.
Ilang beses pa, wala na kong maramdaman.
Pero dumating sa point na sumasakit na siya.
Kasi biruin mo ba naman, halos apat na oras tayong ganun ang posisyon.
Bawat pagyugyog ng iyong sandata sa aking bibig, siyang nginig ng katawan nayayanig.
Malapit na tayo sa dulo, sabi mo, "isa na lang, isa na lang, tiis lang."
Naramdaman ko rin naman na malapit nang lumabas.
Impit na sigaw ang naibigay nang tuluyang lumabas ang ngiping nagpahirap sa akin nang halos isang linggo.
Maraming salamat, Dra. Sa matiyagang pagbunot ng ngipin ko, alam ko nangalay ka rin.
At ako naman'y lumuha na sa sakit at tuwa.
P.S. Akala niyo kung ano? Hahaha.













