palihim kong tinatangi — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan

oozey mess
noise dept.

Jimmy Eat World
The Bright Sessions
"I'm Dorothy Gale from Kansas"

blake kathryn
No title available
Cosmic Funnies
One Nice Bug Per Day
untitled
Keni
Phantogram Three
Sweet Seals For You, Always
Mike Driver
Cookie Run:Kingdom Official!
EXPECTATIONS

pixel skylines
RMH
occasionally subtle
Sade Olutola

seen from Türkiye

seen from Singapore
seen from Türkiye

seen from Türkiye
seen from United States

seen from Australia
seen from Türkiye
seen from Türkiye

seen from United States

seen from United States

seen from Türkiye

seen from United States

seen from United States
seen from Malaysia

seen from Malaysia

seen from Hungary

seen from Germany
seen from United States

seen from United Kingdom
seen from United States
@karagatantalabuwan
palihim kong tinatangi — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Lagi't lagi kang nasa isip. Alam kong hindi naman dapat pero paano mapipigilan ang pusong nananahan sa'yo—sa lahat ng bagay na tungkol sa'yo. Na kahit 'di dapat ay tila ba’y may bangin na gustong talunin ang damdamin ko. Ikaw yung kalma. Sa mga bagay na bumabagabag sa aking mundo. Ikaw yung piring. Kapag pagod na sa luha ang mga mata ko. Ikaw yung musika. Boses mo ang paboritong huni ng tenga ko. Mahal kita. Sa maliliit na bagay tungkol sa'yo, sa mga malalaking tagumpay mo, maski sa mga sikretong sugat na hinihilom mo. Bawat detalye mo'y iniibig ko nang buong buo. Ngalan mo palagi ang laman nga mga tula, mukha mo palagi ang inspirasyon ng bawat obrang likha. At hindi naman dapat, pero lagi't lagi na lang. Sadyang hinulma na yata ng tadhana ang aking puso upang mahulog palagi sa’yo. Hindi mo man malalaman, pero lagi’t lagi kang sagot sa aking kahilingan. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
nang buong buo — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Palihim. Ganyan kita mahalin; ikaw at ang lahat ng bumubuo sa ‘yong pagkatao. Museo ka ng mga bagay na tinuro at iniwan sa ‘yo ng ibang tao at ikaw ang sining na inilalarawan nito. Patago—mula sa malayo. Para hindi mo malaman na ako’y unti-unting nahuhulog sa mga mata mo. Dahil hindi naman dapat pero paano mo nga ba mapipigilan ang pusong nanlalaban? Sabik ito sa ‘yo kahit na tila ito’y nakikipag-laro ng tagu-taguan. Pero nais ko lang malaman mo na makulay ang aking mundo dahil parte ka nito. Kaya’t kahit palihim ang damdamin ‘di itatangging sa’yo ako’y nahuhumaling. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
sa lahat ng bituin — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Mapagpalaya ang magmahal. At malaya kitang minamahal. Hindi nakagapos sa kung ano mang pangako. Hindi nakatali sa mga salitang maaaring mapako. Sapagkat ang ibigin ka ay isang kasarinlan para sa aking pusong nakakulong. Ang tagong pagkahulog sa’yong mga mata ay kaligtasan sa pusong matagal nang lubog. Malaya. Maging malaya ka sa buhay. Hanapin mo ang 'yong sarili, lakbayin ang mundo nang walang pagpipilit. Malaya. Mananatili kang malaya habang kita'y iniibig. Hindi ko hahayaan na humarang sa 'yong daan at landas ang nagsusumamo kong puso. Mahal kita at mananatili kang malaya. Hindi hahayaang mapilitang pumili, hindi kita itatali sa aking tabi. Ikaw na may kalayaan, ay iibigin ko nang malaya at payapa. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
hindi lahat ay nababalikan — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Kung saan-saan pa ako tumitingin. Nandito ka lang pala. Ikaw pala ang liwanag na bigay sa akin ng tadhana. Hindi mo alam pero sa tuwing nandiyan ka, ang lahat ng bagay ay sobrang gaan. Pinapawi mo ang pagod, takot, galit, maging ang duda. Punong-puno ka ng pag-ibig, nag-uumapaw ang puso mo nito. Hindi mo man alam, pero ikaw ang naging gabay ko. Sa tuwing hindi ko alam kung saan patungo, sa tuwing maliligaw sa ginagalawan nating mundo. Ipinaramdam mo sa akin na hindi lang ako hanggang dito; tinuro mo sa akin ang mangarap muli. Kaya’t kahit magpalitman ang taon, mananatili ako sa iyong tabi. Hayaan mo akong maging tahanan at sumpungan ng ‘yong puso. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
maaari ba? — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Inilibing ko na ang galit ko. Hindi dahil patay na ito, bagkus ay dahil pagod na akong bitbitin ang bigat nito. Pagod na akong sumigaw pabalik sa alingawngaw ng nakaraan; sawa na rin akong diligan ang sama ng loob na idinulot nito. Natutunan na ng puso ko ang hindi dumugo sa tuwing ito’y nakakaalala. Pero ang alaala nama’y nandito pa rin. Nakakapit pa rin ito sa aking bawat hininga, sa mabibigat na tibok ng puso; umuugong ito sa katahimikan ng gabi. Hindi ito nawala tulad ng galit ko. Bagkus, ito’y ginawa kong isang paalala na hindi lahat ng pamilyar ay masaya’t ligtas—na hindi lahat ng apoy ay mainit, ito’y nakapapaso rin. Natutunan ko na ang magpatawad at bumitaw sa sakit ng nagdaan. Naka-ukit na ang sariling daan, at hindi na muli pang maliligaw. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
loving you feels timeless — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Paanong hindi kita mamahalin? Kung ikaw yung palaging nakakaalala. Alam mo kung ano yung paboritong lasa ko sa kape. Sabay ka parati sa mga kalokohan ko. Nababasa mo ako na parang isang libro, kabisado mo kung sino ako. Hindi bulag ang paniniwala mo sa kung ano ang kaya ko. Nahuhulog ako parati sa lalim ng mga titig mo. May gaan palagi kapag nandiyan ka. Kahit kaaway ko ang mundo, alam kong ikaw yung palaging kakampi ko. Ikaw ang marahan kong tula sa nagmamadali nilang kanta—ang piyesang bumubuo sa palaisipan ng aking buhay; ng aking puso. Sadyang tunay na kalapastangan ang hindi ka ibigin. Kung ang mundo ay biglang gugunawin, tatakbo ako patungo sa ’yong piling. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
marahan ang pag-ibig sa'yo — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
Mayroon akong sikreto. Mahal kita. Sa paraan na hindi kita kayang mawala; na hindi ako kumpleto ‘pag hindi ka nakikita. Hindi mo lang alam pero nabubuo ng ngiti mo ang araw ko. Palagi akong nananabik sa mga k’wentong ibinabahagi mo, o ‘di kaya ay sa mga bitbit mong reklamo. Mahal kita, pero itatago ko ito nang maigi. Hindi mo na dapat pang malaman na ikaw ang kulay ng mundo ko. Mas mainam na ako na lamang ang nakakaalam. Upang ang mga pagkakataong magkasama tayo ay hindi maging hiram. Kakainin ko na lamang nang buong-buo ang damdamin, kaysa harapin ang mundo na wala ka sa aking piling. Dahil kahit hindi man ako mapa-sa’yo, sa’yong sa’yo naman ang aking puso. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
lagi't lagi — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
They say liking someone is relative. That there should be a reason, a logic everyone must follow. Or a list prepared full of whys and why nots, as if we're writing down a neat presentation. Sometimes they correlate it with an alignment, or a spark. Labeling it with perfect timing and chemistry. But with you, I am empty-handed. Not because I have nothing to list down, but because none of them matter. I like you because you're you. Liking you requires no relativity nor reciprocity. It is as if my feelings are a force of nature—it just naturally occurred. You simply exist, and I simply admire you. So if they ask me why I like you, I will be silent. Because your existence is the one and only answer to it. — Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan
munting paalala ng tadhana
— Follow 𝐒𝐚 𝐊𝐚𝐫𝐚𝐠𝐚𝐭𝐚𝐧, 𝐦𝐠𝐚 𝐓𝐚𝐥𝐚 𝐚𝐭 𝐁𝐮𝐰𝐚𝐧 on all platforms: https://campsite.bio/karagatantalabuwan