CHANGE ME: (TRANSLATION: IBAHIN MO AKO) The Complete Seven Chapters. A Short Story Written by Abbi Simon B. Aramil
CHAPTER ONE: PROLOGUE Magkasama sa restaurant ang magkaibigang Mateo at Benny.
MATEO: Ano ba yan, Benny? Isang oras na tayo dito. Hindi na darating yang sinasabi mo.
BENNY: Darating yun p're. Sureball yun. Baka na-traffic lang. Pero darating yun.
MATEO: Sino ba naman kasi yan? Lintek ka naman kasi, nananahimik na ako sa bahay tapos iistorbohin mo pa ako. Bakit pa kasi ako pumayag sa iyo, samantalang alam na alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga set-up na ganito.
BENNY: Walang problema p're. Okay 'to. Maganda. Mabait. Funny. Smart. Faithful. Maka-Diyos. Makatao. Makabayan. Makabuhay at makakalikasan. Lagi siyang game. Nagsisimba kahit puyat. Wala siyang sawang magmahal.
MATEO: Siraulo ka. Commercial ng Revicon yan eh! Huwag mo akong bilugin. Hindi ako kulangot.
BENNY: P're, panahon na naman kasi para lumabas ka ng lungga mo and to mingle with other people. At saka hindi ka naman tuod para magkulong lang nang magkulong sa bahay dahil sa nangyari sa iyo. Aba. Masaya din ang buhay sa labas ng bahay. Kaya nga madalas akong nasa labas.
MATEO: I want to stop wondering “what if...” I want to know “what is”...
BENNY: Kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin...
MATEO: Sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…..
BENNY: But at the end of the day, though things might change, some things remain the same di ba? Kaya dapat, 'wag mong kakalimutan ang lumang ikaw.
MATEO: She loved me at my worst, you had me at my best at binaliwala mo lang lahat ng yun...
BENNY: Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
MATEO: And you chose to break my heart.
(natahimik ang dalawa ng ilang sandali... at magkasabay na napasigaw...)
ONE MORE CHANCE!!!
(at nagtawanan...)
BENNY: Puro ka talaga kalokohan p're. Nahahawa na ako sa iyo.
MATEO: Pero seriously, ayoko muna p're. Next time na lang pag talagang maayos na. Sa ngayon, pahinga muna. Yung ipapakilala mo sa akin, kung talagang seryoso yun, dapat kanina pa nandito yun. O kaya tumawag or nag-text man lang. Kaso wala. Ni "ha" ni "ho" wala. So wala na talaga yun. Baka di lang talaga nakalaan na magkita kami. Kaya aalis na ako p're. May lakad pa ako eh... (sabay tumayo...)
BENNY: Ha? Saan ka pupunta?
MATEO: Actually, nakaempake na ako. Naisip ko kasi, kung hindi magpakita yang sinasabi mong ipapakilala mo sa akin... Ano nga ulit pangalan niya?
BENNY: Hillary.
MATEO: Hillary. Okay. Kung hindi magpakita si Hillary, baka talagang hindi nakalaan na magkita kami. So, in case na hindi siya magpakita, nakaempake na ako. Tutuloy ako ng Hongkong. Pero kung nagpakita siya, stay ako dito sa Pinas. Yun lang.
BENNY: Ha? Lintek ka talaga. Andami mong mga plano. 5 minutes pa mag-antay pa tayo.
MATEO: Next time na lang p're. PM na lang kita sa FB kapag nasa Hongkong na ako. (at umalis si Mateo palabas ng restaurant...)
Hindi kataka-taka ang reaksyon at kilos ni Mateo. Mukhang sa mga oras na iyon, hindi pa niya nakakalimutan si Joey, a smart, straightforward and funny woman na nakasama niya. Dahil kay Joey, lumabas ang iba't ibang kabulastugan at totoong pagkatao ni Mateo. Doon siya naging natural. Marahil hindi pa siya handang iwan ang bahaging iyon ng buhay niya. Pero sino nga ba si Joey?
CHAPTER TWO: SI JOEY
Beach. Sand. Water. Sunset. Kapag bakasyon, doon mo lang makikita si Mateo, sa isang beach malapit sa resthouse ng pamilya niya. Mag-isa. Nakatunganga. Hindi ko alam kung nag-aabang siya ng paglubog ng araw o nagaantay siya ng makakausap. Pero madalas, nakaupo lang siya sa isang bench at nakatanaw sa malayo. Para sa kanya, isang magandang pagtakas iyon mula sa magulo at ma-traffic na buhay sa Manila.
Sa mga ganitong pagkakataon, pinagmamasdan niya ang mga tao sa paligid niya. Mga mag-asawa. Pamilya. Mga magkakaibigang nagtatampisaw sa tubig. Mga tindero na naglalako ng paninda sa beach. Mga nakahiga sa buhangin at nagpapahinga. At doon, sa pagkakataong iyon, nakita niya ang taong babago ng kanyang mga paniniwala, ang magpapaikot ng kanyang mundo, ang magpapalabas ng lahat ng kalokohan niya sa katawan... Si Joey.
Maganda si Joey. Balingkinitan ang katawan. Mahaba ang buhok. Simpleng babae. Pero masayahin. Makulit. Laging nakatawa. Siya yung tipo ng babaeng ipapakilala mo sa magulang mo at ipagmamalaki sa mga kaibigan mo. Siya yung tipo ng babaeng ihaharap mo sa altar at pangangakuan na makakasama habang buhay. Siya yung tipo ng babaeng paglalaanan mo ng panahon at sasabihing walang oras na nasayang kapag kasama mo siya. At sa mga oras na iyon, sa mga pagkakataon na iyon, sa di inaasahang pagkakataon, habang nakaupo at nagpapahinga si Mateo, nakita niya si Joey kasama ang boyfriend niyang si Keno. Nagtatalo. Malakas ang boses ni Keno. At napapaiyak na si Joey. Nagsisigawan sila. Ito ang pinapanood ni Mateo noong mga panahon na iyon. At walang anu-ano ay biglang sinampal ni Keno si Joey. Sa di inaasahang pagkakataon at di maipaliwanag na dahilan ay biglang tumayo si Mateo, umalis sa kanyang pagkakaupo, at lumapit sa dalawa...
MATEO: (nakaharap kay Keno...) Ang babae, minamahal. Hindi sinasaktan.
KENO: Huwag kang makialam dito.
MATEO: Puno na ang salop, dapat ka nang kalusin.
KENO: Ano? Anong pinagsasabi mo diyan? Siraulo ka ba? Huwag kang makialam dito. Umalis ka na kung ayaw mong masaktan.
MATEO: Bilis-bilisan mo… Nagsimula na ang panibagong paglilitis mo… At ngayon… Ako ang huhusga!!!
KENO: Niloloko mo ba ako? Gusto mo ba talagang masaktan?
MATEO: Umpisahan mo, ako ang tatapos.
JOEY: Keno, huwag ka nang mandamay... (natatakot na umaawat kay Keno...) Nananahimik yung lalaki... Wala siyang kinalaman dito...
KENO: (kay Joey...) Huwag kang magulo! Siya ang nakialam dito! Tumahimik ka diyan!
MATEO: Sabihin mo na ang gusto mong sabihin, pero gusto kong malaman mo na huwag ka munang magpaikot, Hindi pa tapos ang laban!
KENO: Aba't talagang naghahamon ka pa! (pinitsarahan si Mateo...) Ano bang gusto mong mangyari? Eh mukhang matanda ka na at di mo na kaya ang katawan mo?
MATEO: Ang problema sa ‘yo, maaga kang ipinanganak.
KENO: Ano?
MATEO: Kung sa Cavite ‘di ka nagsisimba, dito sa Tondo magsisimba ka nang may bulak sa ilong!
KENO: Aba't siraulo ka... (at biglang sinuntok ni Keno si Mateo... Bumagsak si Mateo sa buhanginan...)
JOEY: (napasigaw...) Saklolo!!! Tulong!!! May nanggugulo dito!!! (lumapit sa bumulagtang si Mateo...) Tulungan ninyo kami!!! (sabay harap kay Keno at bumulong...) Kung ako sa iyo, umalis ka na. Dahil siguradong maglalapitan ang mga tao dito. Nasa beach tayo. Maraming tao. Magugulpi ka lang nang wala sa oras.
KENO: (napalingon sa paligid niya at nakitang naglalapitan ang mga tao...) Mag-uusap pa tayo Joey. Mag-uusap pa tayo... (at umalis si Keno...)
JOEY: (kay Mateo...) Sir, okay lang kayo?
MATEO: Oo. Ayos lang ako. Nasapak na naman ako dati.
JOEY: Tama ba ang mga narinig ko kanina? Gumamit ka ng mga linya ni FPJ?
MATEO: Wala akong maisip na sasabihin. Ang unang pumasok sa isip ko ay mga pelikula ni FPJ. Kabisado ko naman karamihan sa mga linya doon. So yun ang ginamit ko. This is my first time doing this.
JOEY: (binatukan si Mateo...) Siraulo ka pala eh! Paano kung nagulpi ka kanina?
MATEO: May PhilHealth naman ako.
JOEY: (nangiti sa sagot ni Mateo...) Pero thanks. Anong pangalan mo?
MATEO: Mateo. Pero my friends call me "Pogi." Pero para sa iyo, kahit "Mateo" na lang.
JOEY: (nangiti ulit...) Joey. Siraulo ka talaga noh? Bakit ka ba lumapit nung sampalin ako kanina?
MATEO: Maiba lang. Kanina pa ako nakaupo sa bench eh.
JOEY: Masakit ba ang pagkakasuntok sa iyo?
MATEO: Hindi naman. Mas masakit pa yung pagkakakagat sa akin nung aso kanina bago ako naulol.
JOEY: Ha? (nagulat...)
MATEO: Joke lang.
JOEY: (nangiti ulit...) Siraulo ka talaga. (tinulungang makatayo si Mateo...)
MATEO: Gusto mong mag-ice cream?
JOEY: Ha? Okay lang naman.
MATEO: Tara. Ikaw ang magbabayad.
JOEY: (natawa...) Ano?
MATEO: Libre mo na ako after nung incident kanina. That's the least you can do. (nakangiti kay Joey...)
JOEY: (natawa...) Ibang klase ka rin. Sige. May ice cream parlor diyan.
At doon nakilala ni Mateo si Joey. Buti na lang pala movie buff itong si Mateo at marami siyang alam na punchlines and movie quotes dahil kung hindi, baka nakatayo lang siya doon habang nagtatalo sina Joey at ang ang boyfriend niya. Ang hindi nila alam, iyon na ang simula ng bagong yugto sa kanilang mga buhay. Isang kasaysayang magbabago ng buhay ng bawat isa...
CHAPTER THREE: I NEVER GET THE GIRL
There are many benefits of being a hero. If you are a hero, you can become famous. You can acquire special powers. You get to talk to important people. You get to save many lives. And the best of all? You get the girl.
Si Mateo? Siya ang pinakakakaibang superhero. He never gets the girl.
Nakakamangha na habang tumatagal, napapalapit ang loob ni Mateo kay Joey. At nagkakaroon sila ng kakaibang relasyon. A different kind of friendship. For the first time in her life, nagkaroon si Joey ng taong makakausap niya nang personal, masasabihan niya ng nararamdaman, magpapakita sa kanya ng kanyang totoong mukha, ng walang panghuhusga, walang pagaabandona, wala pagkokondena. Marahil dahil nahuhulog na ang loob ni Mateo kay Joey. Isang bagay ang nagagawa ni Mateo kay Joey na talagang ikinatutuwa ng dalaga. Napapangiti niya ito. Kahit sa mga pinakasimpleng paraan, sa mga pinakamaliit na detalye, sa mga pinakapayak na salita, nakapagpapatuloy si Joey sa kanyang pagngiti, isang bagay na ipinagpapasalamat niya kay Mateo.
MATEO: Bakit malungkot ka na naman?
JOEY: Ha? Hindi naman.
MATEO: Iniisip mo na naman yung boyfriend mong tuod noh?
JOEY: Slight lang. Pero wala na kami di ba? Nakipaghiwalay na siya sa akin.
MATEO: Pero iniisip mo pa rin siya..
JOEY: Halata ba?
MATEO: Bakit kasi nagpapakatanga ka pa sa kanya. Pwede ka namang magpakatanga sa akin.
JOEY: (natawa nang bahagya...) Ewan ko ba. Ayaw na niya sa akin. So wala na akong magagawa. Ganun talaga... (naluluha...)
MATEO: Iiyak ka na naman. Sisipunin ka na naman niyan.
JOEY: (umiyak na nang tuluyan...) Ano naman kung sipunin ako? (humihikbi...)
MATEO: Tutulo yan maya-maya lang. Tapos baka makita pa ng ex mo na tumutulo ang sipon mo.
JOEY: (umiiyak pa rin...) Ano naman kung makita niya? Wala naman akong masasabi kapag nangyari yun.
MATEO: Kapag nakita niyang tumutulo ang sipon mo, sabihin mo sa kanya, "Nakita mo na? Pati sipon ko nahuhulog sa iyo. Gusto mo inumin ko ito?"
JOEY: (natawa....) Kadiri! Siraulo ka talaga.
MATEO: Sabi ko naman kasi sa iyo, ako na lang. Kapag magkasama na tayo, haharapin natin ang problema nang magkasama.
JOEY: Wala naman akong problema.
MATEO: Kasi nga hindi pa tayo. Huwag kang feelingera. Excited? Heller?
JOEY: (natawa...) Puro ka naman kasi kalokohan. Hindi ko alam kung kailan ka nagbibiro o kailan ka nagseseryoso.
MATEO: Napakaswerte mo, Joey kapag naging tayo.
JOEY: At baket? Aber?
MATEO: Kapag naging tayo na, hindi na ako magdidi-dikit sa mga pintuan. Ayoko na kasing tawaging "Boy Next Door."
JOEY: (natawa ulit...) Ang kapal!
MATEO: Pero seriously, bakit ba pinagpipilitan mo ang sarili mo sa ex mong tukmol?
JOEY: Kay Keno? Ewan ko. Masaya ako kapag kasama ko siya? Hindi ko alam. Binibigyan niya ako ng dahilan para mabuhay? Hinahayaan niya akong makita na maganda ang nasa paligid ko? Siya ang nagbibigay ng kulay sa buhay ko? Hindi ko alam, Mateo. Hindi ko rin alam kung kukuha ako ng punchline sa pelikula para masagot ang tanong mo. Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, hindi siya maalis sa isip ko. Kahit na tukmol o tuod siya para sa iyo.
MATEO: (natahimik...)
JOEY: Ikaw? Ikaw kaya ang tanungin ko. Bakit ako? Marami naman diyang iba. Mas maganda. Mas matalino. Mas matino. Magpapaligaya sa iyo. Bakit ako pa? Masasagot mo ba ang tanong na yan, Mateo?
MATEO: Oo.
JOEY: (natahimik sandali...) Then why? You can be with any other woman but why me?
MATEO: Actually, I can be with many women. Smart, fun, loving, pretty. The problem is they are not you. I don't want to be choosing between several girls. I want to be head over heels idiot for one. Pero siyempre hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa iyo. I will always respect the fact that you preferred somebody else. Ganoon talaga yun. Sometimes love means taking a step back. If you care about somebody, you should want them to be happy, even if you wind up being left out. So maiwan man ako dito, okay lang. I can fight. I would if you want me to. Pero kung hindi, eh di hindi.
JOEY: (natahimik ulit sandali...) Saang pelikula mo naman nakuha yan?
MATEO: This is real life Joey. Whether you like it or not. This got real the moment I met you.
JOEY: Ewan ko, Mateo... Ewan ko... Grateful ako dahil lagi mo akong pinapasaya. Dahil lagi mo akong pinagtatanggol. Lagi mo akong sinasamahan. Pero ewan ko...
MATEO: Then, I'm the hero who never gets the girl.
Isa sa mga pangyayari sa buhay nina Mateo at Joey. Ang hindi nila alam, isa na namang karanasan ang papasok sa kanilang magulo pero slightly nakakatawang relasyon ang posibleng magpaikot ng kanilang mga personalidad, ng kanilang mga paniniwala, ng kanilang mga nararamdaman...
CHAPTER FOUR: TEN YEARS
Alam naman ni Mateo na talagang mahal ni Joey ang ex-boyfriend niyang si Keno. At ilang beses na silang nagkabalikan. Hindi rin naman maintindihan ni Mateo kung bakit kung paanong nagpapakatanga si Joey kay Keno ay ganun din naman siya kay Joey.
MATEO: May naisip ako.
JOEY: Ano yun?
MATEO: A very interesting idea that you might like. Might.
JOEY: Ano nga yun?
MATEO: Let's say ten years from now, at single ka pa rin, and single din ako, pakasal tayo.
JOEY: Ha? Seryoso ka?
MATEO: Oo. Bakit hindi? Ten years? Maraming pwedeng mangyari nun.
JOEY: Sabagay. (napaisip...) Sige.
MATEO: Sige? Payag ka?
JOEY: Oo. Sige.
MATEO: Teka... (kumuha ng papel at ballpen... nag-drawing ng cartoon ng isang babae at isang lalake... pagkatapos, isinulat niya ang pangalan niya sa lalake at pinirmahan...) Isulat mo ang pangalan mo dito tapos pirmahan mo.
JOEY: (natatawa nang bahagya....) Ano naman ito?
MATEO: Contract. Binding contract. (nangingiti...) Para may kasunduan tayo.
JOEY: (natawa...) Sige. Sige. Pipirmahan ko na. (pumirma...)
MATEO: Ipapanotaryo ko pa ba?
JOEY: (natawa ulit...) Sira. Huwag na. Okay na yan.
MATEO: Basta kung after ten years at single pa rin tayo pareho, pakakasalan kita.
JOEY: Asa ka namang single pa rin ako after ten years.
Over the years, lalong naging malapit sa isa't isa sina Mateo at Joey. Pero di rin nagtagal at nagkabalikan sina Joey at Keno. Isang bagay na hindi maintindihan ni Mateo kung ikatutuwa niya o ikalulungkot.
Pero hindi naging maganda ang relasyon nina Joey at Keno. Tulad noon, madalas silang mag-away. At madalas na makipaghiwalay si Keno kay Joey, bagay na lalong ikinalungkot ni Joey. Hanggang sa umabot sa isang di inaasahang pangyayari...
CHAPTER FIVE: THE ATTEMPTS
Iniwan na naman ni Keno si Joey. Hindi ito ang unang beses na nangyari ito sa kanilang dalawa. At hindi na ito kinaya ni Joey. Suko na siya. Hindi na niya alam ang gagawin. At sa pangyayaring ito, isa lang ang naisip niyang gawin...
Minsan, dumalaw si Mateo kay Joey. Walang sumasagot sa pintuan. Nakailang pindot na ng doorbell si Mateo pero wala pa ring nagbubukas ng pinto. Buti na lang naalala niya na nilalagay nga pala ni Joey ang susi sa may halaman sa isa sa mga paso sa labas ng pintuan ng bahay niya. Naisip niyang buksan na lang ang bahay at mag-antay sa sala. Tutal, lagi naman niyang ginagawa iyon at nakakalabas-masok naman siya sa bahay ni Joey.
Kinuha ni Mateo ang susi sa halaman sa paso. Binuksan niya ang pintuan ng bahay ni Joey at pumasok. Dumeretso siya sa sala. Naupo sa sofa. Medyo nagrelax nang bahagya. Nang maisipan niyang uminom ng tubig at maghanap ng makakaing merienda sa kusina. Kaya tumayo siya at nagpunta sa kusina...
Hindi pa siya nakakalapit sa kusina, may nakita na siya sa sahig. Kamay. Parang kamay. Medyo natatakluban ng counter kung ano ba talaga ang nakikita niya. Bumilis ang pintig ng puso ni Mateo. Dere-deretso ang kaba at nerbyos. Unti-unti siyang lumapit sa kusina. At habang papalapit siya, naaaninagan na niya kung ano ba talaga ang nasa sahig... si Joey! Bumulagta si Joey sa sahig! Dali-daling tumakbo si Mateo papunta kay Joey...
MATEO: (sumisigaw...) Joey! Joey! Anong nangyari? My God, Joey! Joey! (habang pinipilit na gisingin si Joey...)
Hindi na nagdalawang-isip pa si Mateo. Binuhat niya si Joey. Dali-daling lumabas ng bahay at sumakay ng kotse at isinugod si Joey sa ospital. Habang nagmamaneho, kinakausap ni Mateo ang kanyang sarili...
MATEO: Lintek ka Joey, huwag kang bibitaw... May pangako ka pa sa akin... Ilang taon na lang malapit nang ma-expire ang ten years mo... Dito ka lang... Dito ka lang Joey... Dito ka lang...
Umabot sa ospital si Mateo at naisugod niya si Joey. Pero hindi pa rin niya maintindihan kung ano ba talagang nangyari sa dalaga. Hanggang sa kinausap siya ng doktor...
DOKTOR: Overdose. I think this is a failed suicide attempt. After she woke up, she started throwing up and then lost consciousness again. We'll try to see what organ was affected pero she is not in critical condition anymore. Isang bagay lang. She attempted to take her life already. She can do it again. She's very vulnerable right now so be very compassionate to her.
MATEO: (naluluha...) Salamat Doc...
It was the first of the many suicide attempts that Joey had over the years. And everytime she is suffering, Mateo was there to console her. Kahit ilang beses siyang magtangkang magpakamatay, inaalagaan siya ni Mateo, sinasamahan, pinapatawa, kinakausap, dinadamayan, inaalagaan. Kapag papasok sa isang relasyon si Joey at iiwan siya sa huli, nagtatangka siyang magpakamatay. At nandun palagi si Joey para pasayahin siya. Paulit-ulit. Hindi nagsasawa si Mateo. Hanggang sa kinailangang pumasok sa therapy ni Joey.
Kahit sa ospital during her therapy, Mateo was always there, taking care of her. Kahit sa maraming pagkakataon, matigas ang ulo ni Joey at laging nagdadabog, hindi pa rin siya iniwan ni Mateo. Sinasamahan pa rin siya. Hanggang sa mapangiti at mapatawa ni Mateo si Joey. He spent every moment of his life with her.
And then ten years had passed... Their contract has expired...
CHAPTER SIX: SULAT
Natapos na ang sampung taon. Sampung taong naghintay si Mateo. Nagtiyaga. Inalagaan si Joey ng matagal na panahon. Patuloy naman ang therapy ni Joey at sa ospital pa rin siya nakatigil. Ni minsan ay hindi siya pinabayaan ni Mateo, kahit na ilang beses nagtangkang magpakamatay ang dalaga. At naisip ni Mateo, panahon pa para ipaalala kay Joey ang kanilang mga pangako sa isa't isa.
Nasa bahay si Mateo. Paulit-ulit na tinititigan ang kanyang iginuhit na larawan sampung taon na ang nakakaraan, kasabay ng paulit-ulit na pagbasa ng kanilang mga pangalan at pag-alaala sa kanilang pinirmahang kasunduan. Hindi maalis sa isip ni Mateo ang kanilang pinagkasunduan...
Ten years ago...
MATEO: May naisip ako.
JOEY: Ano yun?
MATEO: A very interesting idea that you might like. Might.
JOEY: Ano nga yun?
MATEO: Let's say ten years from now, at single ka pa rin, and single din ako, pakasal tayo.
JOEY: Ha? Seryoso ka?
MATEO: Oo. Bakit hindi? Ten years? Maraming pwedeng mangyari nun.
JOEY: Sabagay. (napaisip...) Sige.
MATEO: Sige? Payag ka?
JOEY: Oo. Sige.
MATEO: Teka... (kumuha ng papel at ballpen... nag-drawing ng cartoon ng isang babae at isang lalake... pagkatapos, isinulat niya ang pangalan niya sa lalake at pinirmahan...) Isulat mo ang pangalan mo dito tapos pirmahan mo.
JOEY: (natatawa nang bahagya....) Ano naman ito?
MATEO: Contract. Binding contract. (nangingiti...) Para may kasunduan tayo.
JOEY: (natawa...) Sige. Sige. Pipirmahan ko na. (pumirma...)
MATEO: Ipapanotaryo ko pa ba?
JOEY: (natawa ulit...) Sira. Huwag na. Okay na yan.
MATEO: Basta kung after ten years at single pa rin tayo pareho, pakakasalan kita.
JOEY: Asa ka namang single pa rin ako after ten years.
Ito ang paulit-ulit na inaalala ni Mateo habang hawak ang iginuhit na larawan. Tumayo siya sa kanyang kinauupuan, lumabas ng bahay, at masayang pumunta sa ospital para dalawin si Joey...
Pagdating ni Mateo sa ospital, nagtaka siya dahil wala doon si Joey. Ang tanging nakita niya ay isang papel na naiwan sa kama. Isang sulat. Liham na isinulatni Joey. Kanya itong binasa...
Mateo,
Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Nobody loves me. I'm sorry but I'm going. I will look up to the heavens. Maybe somebody loves me there.
Joey
Nabahala si Mateo. Hindi niya malaman kung nasaan si Joey at saan ito nagpunta. Pumunta siya sa Nurses' Station para tanungin ang Nurse doon.
MATEO: Nurse, yung pasyente sa Room 314, wala na sa kwarto.
NURSE: Ha? Wala po kaming napansing lumabas. Sandali po. Alert ko po ang security.
Hindi maintindihan ni Mateo kung nasaan si Joey. Saan naman siya pupunta? Si Mateo naman lagi ang kasama niya. Biglang sumagi sa isip niya si Keno. Naalala niya noong minsang pinuntahan niya si Keno sa bahay. Galit siya noon. Hindi niya napigilan ang sarili niya. Sinuntok niya si Keno...
MATEO: (matapos suntukin si Keno at matapos itong bumagsak sa lupa... galit na sinigawan si Keno...) Nasa ospital si Joey. Ilang beses nagtangkang magpakamatay. Kung may konsensiya ka man lang kahit kaunti, magparamdam ka! Wala ka nang ginawang mabuti sa kanya! (at saka umalis...)
Dahil sa eksenang sumagi sa isip ni Mateo, dali-dali niyang tinawagan si Keno.
MATEO: Keno? Nandito ako sa ospital. Wala si Joey. Wala sa kwarto niya. Umalis. Nandiyan ba?
KENO: Ha? Wala... Hindi ko pa nakikita... Wala siya dito...
MATEO: Ha? Saan naman pupunta yun? May iniwang sulat. Magtatangka ulit yun.
KENO: Anong sabi sa sulat?
MATEO: (binasa ang sulat habang kausap si Keno sa phone...) "Ayoko na. Pagod na pagod na ako. Nobody loves me. I'm sorry but I'm going. I will look up to the heavens. Maybe somebody loves..." (nagulat at hindi na tinapos ang sulat...) Keno! Pumunta ka dito! Bilisan mo! Puntahan mo ako sa rooftop! Kakausapin ko siya habang hinihintay ka! Bilisan mo!
KENO: Sige! Sige! Bibilisan ko!
Dali-daling umakyat ng hagdanan si Mateo para pumunta sa rooftop. Habang tumatakbo, umaalingawngaw sa kanya ang mga isinulat ni Joey... "I will look up to the heavens..." Naisip niya na tatalon ito mula sa rooftop.
Pagdating sa rooftop, hindi nga siya nagkamali. Nandoon si Joey. Standing near the edge of the rooftop. Akmang tatalon...
MATEO: Joey... Joey... Pag-usapan natin ito... Joey...
JOEY: (dahan-dahang humarap kay Mateo...) Mateo... Ayoko na... Pagod na pagod na ako... (umiiyak...) I am all alone... Nobody... Nobody cares...
MATEO: (kinuha ang iginuhit na larawan mula sa kanyang bulsa...) Joey... Naaalala mo ito? (ipinakita kay Joey ang larawan...) Ten years ago, nangako tayo sa isa't isa. May kasunduan tayo. Kapag single ka pa at single pa ako, magpapakasal tayo. Naalala mo? Itinago ko ito. Naghintay ako ng sampung taon. Nandito ako. Pakakasalan kita.
JOEY: (natahimik... natigilan sa kanyang narinig...) Mateo...
MATEO: Naalala mo, Joey?
JOEY: (hindi pa rin makapagsalita...) Mateo...
MATEO: Nandito pa ako...
JOEY: (natitigilan...) Mateo... Nagbibiro lang ako noon... Akala ko hindi ka seryoso... Hindi ako seryoso noon...
Halos gumuho ang buong mundo ni Mateo sa narinig. Hindi siya nakapagsalita. Hindi agad nakakilos. Hanggang sa may narinig siyang boses sa likuran niya...
KENO: Joey!
JOEY: (nagulat...) Keno?
Tumakbo si Joey papunta kay Keno at niyakap ito. Mahigpit na magkayakap ang dalawa. Habang si Mateo naman ay nakatingin sa langit at hindi nakapagsalita. Naalala niya ang mga bagay na ginawa niya para kay Joey. Ang pagpapatawa, pagpapangiti sa dalaga, ang pag-aalaga habang nasa therapy, ang ilang beses na pagsama dahil sa pagtangka nitong magpakamatay, hanggang sa unang beses niya itong makita sa beach noong nag-aaway sina Joey at Keno. Pati na rin ang pagkakasuntok ni Keno sa kanya. Naalala niyang lahat. Hindi siya nakapagsalita. Hindi nakakilos. Hindi nakagalaw. Nakatingin lang sa langit. Nag-iisip. Parang niyayaya siya ng mga ulap na lumipad. Tumalon. Sumama sa hangin. Maging malaya. Maging isa kasama ng himpapawid...
Binitawan ni Mateo ang larawang iginuhit niya sampung taon na ang nakakaraan...
Nilipad ito ng hangin...
At lumakad paalis si Mateo habang magkayakap pa rin sina Joey at Keno.
Ito na ang huling pagkikita nina Mateo at Joey. Wasak ang isip at magulo ang mundo ni Mateo matapos ang eksenang ito. Ang mga sumunod na pangyayari ay malayo rin sa mga plano ni Mateo...
CHAPTER SEVEN: EPILOGUE
Matagal nang hindi nagkikita sina Mateo at Joey. Umiwas na rin si Mateo. He doesn't want anything to do with her anymore. He never went out. Never went on a date. Never hang out with his friends. Never did anything. Not until nakumbinsi siya ng kaibigan niyang si Benny to go to a blind date, something that he never did before.
MATEO: Ano ba yan, Benny? Isang oras na tayo dito. Hindi na darating yang sinasabi mo.
BENNY: Darating yun p're. Sureball yun. Baka na-traffic lang. Pero darating yun.
MATEO: Sino ba naman kasi yan? Lintek ka naman kasi, nananahimik na ako sa bahay tapos iistorbohin mo pa ako. Bakit pa kasi ako pumayag sa iyo, samantalang alam na alam mo naman na hindi ako mahilig sa mga set-up na ganito.
BENNY: Walang problema p're. Okay 'to. Maganda. Mabait. Funny. Smart. Faithful. Maka-Diyos. Makatao. Makabayan. Makabuhay at makakalikasan. Lagi siyang game. Nagsisimba kahit puyat. Wala siyang sawang magmahal.
MATEO: Siraulo ka. Commercial ng Revicon yan eh! Huwag mo akong bilugin. Hindi ako kulangot.
BENNY: P're, panahon na naman kasi para lumabas ka ng lungga mo and to mingle with other people. At saka hindi ka naman tuod para magkulong lang nang magkulong sa bahay dahil sa nangyari sa iyo. Aba. Masaya din ang buhay sa labas ng bahay. Kaya nga madalas akong nasa labas.
MATEO: I want to stop wondering “what if...” I want to know “what is”...
BENNY: Kapag ang mahal natin ay iniwan tayo wag ka malungkot, dahil siguradong may darating na bagong taong hindi man maibibigay ang hinahanap natin matatanggap naman tayo at mamahalin...
MATEO: Sana ako pa rin.. sana ako na lang.. sana ako na lang ulit…..
BENNY: But at the end of the day, though things might change, some things remain the same di ba? Kaya dapat, 'wag mong kakalimutan ang lumang ikaw.
MATEO: She loved me at my worst, you had me at my best at binaliwala mo lang lahat ng yun...
BENNY: Yun ba talaga ang tingin mo? I just made a choice.
MATEO: And you chose to break my heart. (natahimik ang dalawa ng ilang sandali... at magkasabay na napasigaw...)
ONE MORE CHANCE!!!
(at nagtawanan...)
BENNY: Puro ka talaga kalokohan p're. Nahahawa na ako sa iyo.
MATEO: Pero seriously, ayoko muna p're. Next time na lang pag talagang maayos na. Sa ngayon, pahinga muna. Yung ipapakilala mo sa akin, kung talagang seryoso yun, dapat kanina pa nandito yun. O kaya tumawag or nag-text man lang. Kaso wala. Ni "ha" ni "ho" wala. So wala na talaga yun. Baka di lang talaga nakalaan na magkita kami. Kaya aalis na ako p're. May lakad pa ako eh... (sabay tumayo...)
BENNY: Ha? Saan ka pupunta?
MATEO: Actually, nakaempake na ako. Naisip ko kasi, kung hindi magpakita yang sinasabi mong ipapakilala mo sa akin... Ano nga ulit pangalan niya?
BENNY: Hillary.
MATEO: Hillary. Okay. Kung hindi magpakita si Hillary, baka talagang hindi nakalaan na magkita kami. So, in case na hindi siya magpakita, nakaempake na ako. Tutuloy ako ng Hongkong. Pero kung nagpakita siya, stay ako dito sa Pinas. Yun lang.
BENNY: Ha? Lintek ka talaga. Andami mong mga plano. 5 minutes pa mag-antay pa tayo.
MATEO: Next time na lang p're. PM na lang kita sa FB kapag nasa Hongkong na ako. (at umalis si Mateo palabas ng restaurant... bumukas ulit ang pintuan at biglang bumalik si Mateo sa restaurant at sumigaw...) Benny!
BENNY: Yo!
MATEO: Sabihin mo sa kay Hillary, maghintay ng sampung taon. If after ten years single pa rin siya at single pa rin ako, malay namin, bigla ko siyang pakasalan.
BENNY: Kasal agad eh hindi mo pa nga nakikita? Hindi ba pwedeng mamanhikan muna?
Nangiti lang si Mateo at diretsong umalis ng restaurant. Makalipas ang ilang minuto, pumasok ang isang dalaga. Nakita ito ni Benny...
BENNY: Hillary!
HILLARY: Uy! Benny! Sorry I'm late. Grabe. Sobrang traffic... Tapos empty battery pa ang phone ko... Grabe... Worst day of my life... (napatingin sa lamesa...) Late din yung iseset-up mo sa akin?
BENNY: Umalis na. Kanina pa. Napakabagal mo naman kasi.
HILLARY: Aba. Kasalanan ko ba kung traffic? Sisihin mo ang gobyerno at hindi pa rin naaayos ang daloy ng trapiko sa Maynila.
BENNY: Sayang kasi halos pareho kayo. Mga broken hearted. Ang difference lang mas madalas kang ma-broken heart so sanay ka na diyan.
HILLARY: Siraulo. Iyong sa akin naman kasi, nasa harap ko na hindi ko pa napansin. Stupid nga lang yung ibang relationships. Itong isa na nasa kamay ko na, napakawalan ko pa ang nakakapanghinayang. If only...
BENNY: Bakit kasi hindi ka nag-charge ng phone kagabi pa.
HILLARY: Ay naku, Benny. Doon ka sa barangay magpaliwanag.
BENNY: Pareho pa kayong may sayad sa utak. Ganyan din yung magsalita sa akin.
HILLARY: Maybe we are not meant to meet. Ganun lang iyon. Otherwise nagkaroon siguro ng brilliant or whatever wise incident that would make us meet by fate.
BENNY: Iyan din ang sinabi niya sa akin kanina. May pahabol pa nga. Hintay ka raw ng sampung taon at pag pareho pa kayong single, baka raw pakasalan ka niya. Loko di ba? Hindi ka pa nakikita pakakasalan ka agad? Eh di may sayad nga sa utak. Pareho nga kayo.
HILLARY: (natahimik...) Anong pangalan nitong lalakeng ito?
BENNY: Tingnan mo itong babaeng ito. Abnormal ka talaga. Nakarinig ka lang ng kasal tinatanong mo na ang pangalan? Dapat kasi nagparamdam ka na...
HILLARY: (pinutol sa pagsasalita si Benny...) Anong pangalan niya?
BENNY: Mateo.
HILLARY: (natahimik... natulala... namutla...)
BENNY: Bakit? Anong problema? Wait... Don't tell me si Mateo yung sinasabi mo sa akin dati na nakawala sa kamay mo? If that is the case, ibig sabihin ikaw si... Pero hindi... Joey ang pangalan nung babaeng yun.
HILLARY: (binatukan si Benny...) Um! Ano bang name ko?
BENNY: Josephine Hillary. Ow.... Yeah.... Ako nga lang pala ang tumatawag sa iyo ng Hillary... Makes sense...
HILLARY: (tinakpan ang mukha...) My God... Nakawala na naman... Saan nagpunta si Mateo?
BENNY: Wala na. Baka papunta na ng airport yun.
HILLARY: Ha? Bakit? Saan siya pupunta?
BENNY: Sa Hongkong daw. Ewan ko kung anong gagawin doon. Baka magbebenta ng kamote.
HILLARY: (tumayo...) I'm going.
BENNY: Saan ka pupunta?
HILLARY: Obvious ba? Malamang hahabulin si Mateo. He's not getting away this time. I took him for granted before. Never gave him importance. Only later on that I realized na siya pala talaga. I was so blinded by stupidity na hindi ko iyon nakita agad, But I could see things now. I'm going. And if I don't see him, I'll wait for ten years if needed. I'll do what he did to me.
BENNY: Ow... Yeah.... Okay go. Ikaw bahala. Ewan ko lang kung abutan mo pa yun. Check mo.
HILLARY: I'll see you around.
At umalis si Benny palayo sa lamesa palabas ng restaurant. Habang naglalakad papunta sa pintuan, she took something out of her purse. Isang papel. Binuksan niya ito. Ang iginuhit na larawan ni Mateo. Ang kanilang natapos na kasunduan. Hanggang sa makapasok siya ng sasakyan, ito ang nasa isip niya. Ang pangako nila sa isa't isa, ang pagtalikod niya sa pangakong ito, at na-imagine din niya ang mukha ni Mateo habang sinasabi kay Benny...
MATEO: If after ten years single pa rin siya at single pa rin ako, malay namin, bigla ko siyang pakasalan.
And she started the car and moved.
END.
KABUANG MUCH. Roll Bacco speaks. :D














