We are Open minded, Better than the other Group. Yan madalas na sinasabi natin di ba? kaya tayo naging DenLie kasi yung iba sa atin aminin na natin na dating JE. Nagsawa na sa mga ilusyon, sa mga KKTP, o kung ano-ano pang mga imahinasyon na sa utak lang natin pwede paganahin.
Aaminin ko na, Noong una, Hindi talaga ako kinikilig kay Alden, Hindi talaga. Nako-kornihan nga ako sa kanya eh kahit sa One true Love, Lalo na nung pinartner siya kay JA, wala akong naramdaman. Siguro kasi nung panahon na yon. JE pa ako, hindi pa nagsi-sink sa akin yung presence ni Alden. dahil mas matimbang for me that time si Moe.
Hanggang sa mga spotted pics ng Emly, doon na ako kusang bumibitaw at sa mga pag-iwas at reaction ni JA lately sa mga prods niya with Elmo.. yung reaction na parang napipilitan, yung wala na yung spark, na para bang may alam si JA sa "Relasyon" ni Lauren kay Elmo.
Doon dumating sa point na nawalan na ako ng gana, Napaka transparent ni Julie Anne, kumbaga, unang kita mo pa lang sa kanya, Yun na siya. ano mang pinapakita nya, yun ang totoo, tingnan mo ang kilos at reaction ni JA, Gets mo na agad kung anong totoo at Hindi.
Skinny Love. Curious lang ako nakatingin sa T.v, tiningnan bawat galaw NI Alden kay Julie, and for the first time, may naramdaman ako.. Hindi siya kilig.. kundi Sincerity. Andun yon.. That time, alam ko, di yon ang Huling beses na makikita ko silang dalawa magkapartner..
Year 2013. mga Interviews, ABout sa panliligaw ni Alden kay Julie.. na hindi natuloy, dahil marami ang may ayaw.. Lalo na mga JuliElmo. Alam ko naman kahit hindi yun natuloy, patuloy pa rin si Alden sa pagpaparamdam. Dinadaan na lang sa mga pahaging, may nagustuhan ako doon sa interview nya na hindi kailanman nasabi ni Moe sa tatlong taon nila Julie na magkasama.
"I'll just see things kung saan sila dadalhin, hindi ako magsasalita ng tapos dito" very sincere, hindi pinaghandaan yung sagot.. kusa na nalabas sa bibig nya. and by that time i knew, napaka swerte ni Julie anne, dahil si Alden, kapag gusto nya, sinasabi nya. walang kailangan itago. lalo na sa taong mahalaga sa kanya. From that moment, Napa-hanga ako ng isang Alden Richards.
Mahal ko si Julie anne, sabihin man nila na nag-solid JAPS ako, na ngayon ay napdpad sa Denlie, wala akong pinagsisihan, kasi doon siya masaya eh, at masaya ako dito, nandito yung mga taong hindi na kailangan pa ng "Liwanag" kasi what you see is what you get, lalo na pag offcam.
Sweet sila, Close sila sa isa't isa, yun bang may MALALIM na pinagsasamahan, na makikita mo lang sa Bestfriend mo na Guy o Boyfriend mo.
May mga times na akala mo nag-LQ sila, pero ang totoo nyan pinapahalagahan nila ung trabaho nila at the same time andun parin ung feelings nila for each other. Andon ang respeto sa bawat isa.
Saksi ako sa LQ moments nila sa party plipinas, Hindi sila nagpapansinan non, after naman ng LQ moments, magkaka diabetes ang langgam sa tamis.
Hanggang Natapos ung concert ni Julie, doon na naging showy si Japs.
Kitang kita naman eh, kumabaga, bakita kailangan pa itago? kung ano sila, yun na yon.
YUN nga lang...kapag nagpapakatotoo ka na, ang iba may gusto, pero mas marami ang may ayaw.
Nabasa naman natin ang interview nya recently (alden) na nayayamot na siya dahil sa pamba-bash ng mga fans sa pagiging malapit nila ni Julie, at kahit na nagmatigas na siya nung huli, hindi parin siya tinantanan. At ang masaklap pa, nag-away away na ang mga Fans, Je's and Denlie's.
Tingin nyo, nakakatuwa ba kung ikaw si Julie Anne at ikaw si Alden, matutuwa ka ba na ang mga Fans mo ay nag-aaway away dahil sayo? ayaw mo siyempre magkaroon ng samaan ng loob sa mga tao, or sumama ang tingin nila sayo.. kung ikaw sila, anong gagawin mo?
Pagmamatigasan kahit mas lamang ang may ayaw?
sunod-sunod ang nangyayari sakanila individually, Album launch ni Alden at Primetime soap.
Sunod-sunod na concert ni Julie with upcoming show this year.
Fans ang bumubuhay sa kanila, at alam nila yan. showbiz to, kung pilit nilang bubuwagin ang may matibay na foundation, marami ang magagalit sa kanila, they have to be quiet..and wait.
Kailangan patahimikin ang nagagalit na fans.. kailangan nilang dumistansya sa isa't isa para narin sa sarili nilang kapakanan.
Yung pag Unfollow ni Alden ay hindi Ibig sabihin na ayaw na nya kay Julie, Kundi ayaw na nya na pati si Julie ay nadadamay na. ung Unfollowed issue, dba nagsimula kay Julie? na sinisisi ng Iba kay Alden.
Hindi siya duwag, dahil pino-protektahan nya lang ang taong Mahahalaga sa kanya, lalo na si Julie. Pinapatay nya ang issue nilang dalawa para sa ikakasaya ng marami. Ganon siya ka-professional na arista, at Ganong klaseng lalaki siya magmahal, di baleng siya na lang, wag nang idamay si Julie Anne.
Isipin nyo na Larong tagu-taguan, ang mahuli ay Taya. na para bang DenLie, pag nagsama, laging nahuhuli kahit magtago, lalo na pag nakita ng iba, nahuhuli parate na magkadikit. hahahaha!
DenLie ako, kahit Pang bente uno lang ako, wala akong pakielam. kasi Masaya ako dito, Mahal ko si Julie at Alden, sila ang tao na totoo. Totoo sa nararamdaman. :)
------------------------KEEP SMILING! :)