Page 55 of 365 (2242015)
Pupunta ulit kaming CDA, nagkita na lang kami ni juvhie sa may 168 para sabay na kami. Kumain muna kami sa mcdo bago umalis, di pa din kasi ako nagllunch. Hahaha. Sumakay kami pa-cubao, ang layo talaga e, 18pesos pa siningil samin hahaha. Nakakaantok sa byahe. Nauna kami dumating kay ebeng, pero saglit lang naman kami naghintay. Pumasok na agad kami sa cda kasi ang init hahahahaha. Pag dating namin, pinaakyat na kami sa 6th floor dun daw kasi office ng executive director, kaso wala pa rin kaming napala, di daw kasi sure kung nagbigaynyung barangka ng annual report sakanila. Sayang na naman pagod at effort. Nag-iba na lang kami ng coop, san dionisio na lang. Sinimulan na rin namin ni ebeng. Hayyss. Sana talaga matapos namin to'














