My 2011's Highlights - February
Medyo nakakatawa yung February ko. Si ano naman yung topic dito, si past. Hahaha. Since second year to almost third year, patay ako sa kanya. Hahaha! Nung last week of February, pagkatapos nang lahat, kinausap niya ako na walang nangyari. Para wala lang talaga nangyari e! Haha. Di kasi kami nag-uusap before. Ayun, naging close ko siya. Di ko nga alam kung papaano nangyari 'to e, biglang naging close kami? Tae. Haha!
Nung nasa tricycle, nakasakay ko ata siya nun pati yung classmate ko. Di ko lam kung anong meron basta papunta kami nun sa bahay ng classmate ko. Napangiti yung classmate ko samin, tinanong kung friends na daw kami. Pagkatingin ko sa kanya, nakangiti din, nag-oo na lang din siya. Oh di ba? Friends na kami nun! Hahaha! Weird nito. Alam ko, ang bata ko pa nun dito ah?
After that, he added me on Facebook again. Pangatlong beses na 'yon! Kasi ilang beses na niya akong dinelete. Ekk? Hahaha. So dun nag-start, okay na kami nun.
Practice sa Speech Choir kina Tokwa. Unforgettable 'to! Haha. Nagpa-practice kami sa kanila, eh may ahas na biglang dumaan sa harap namin! Kagulat! Kaya di ko lang talaga makakalimutan yung bahay nila e! Dati kasi, once kami pumunta sa kanila, may aso dun, nakakatakot. Psh. Kaya lang di naman kami nanalo sa Speech Choir, maganda na sana e! Panalo na sana e! May nagkamali nga lang isa sa amin, sayang. Pero okay lang, nanalo naman kami sa Sabayang Pagbigkas. Hehe.
Pinaka di ko makakalimutan dun nung naging close kami ng classmate ko, siya yung reason kung bakit nakapag-let go na ako. February 15, still remember? After the day of Valentine's. Feb. 15, 2010, pinaka-hate kong day when I was second year. Kasi naman oh, di na niya ako kinakausap nung lalaking yun ever, dahil sinabihan ko siyang, "I love you as a friend." blah blah blah.
February 15, 2011. Nagpapalibre yung classmate ko sakin dahil nilibre ko siya nun ng lunch! Di ko nga alam kung bat ko siya nilibre, wala e, napilitan lang. Hahaha! Nagpaawa nga yung classmate ko e. Pero kinilig naman ako dahil naging crush ko naman siya since 1st year! Ayun, naging favorite ko na yung Feb. 15. Ewan ko lang this year.
February 14? Valentine's day. Parang ordinary day lang, medyo boring nga lang. Nag-celebrate kami. So puro set-up lang naman nun. Hehe. Eh ako isa lang nag-set up sa akin. Yung former crush ko! Ayi! Hahaha! Kinilig naman ako! Kumpleto nga yung araw ko nun dahil wala lang! Hahaha! Pinaghahawak pa nga nila ako ng kamay e tapos pinaikot nila ako ng buong campus! Tapos nung natapos na naming umikot, pinaikot ba naman ako ulit?! Parang baliw lang.
Yun yung time na di ko alam kung crush ko na siya ulit o hindi e. Itutuloy nalang yung March 2011 ko. Hihi.










