3/17/2025 06:49 AM
Hi!
How are you? Hope you are doing great there!
Ako kase hindi ko maintindihan nararamdaman ko lately.
I was lost somewhere. Naospital ako due to my gerd again. Umatake nanaman siya after 3 years.
Yung kapatid ko broken hearted. 1st heart break niya, kung kelan niya ko need dun pa ako wala kase na ospital ako.
Si mama naman nangatulong ulit. Nakakahiya kami bilang anak dahil naturingang graduate at may magagandang trabaho pero di makatulong ng ayos sa pamilya.
Nahihirapan na ako magisip kung pano ko to lalagpasan at tatapusin e.
Gusto ko ng extra income kaya lang wala kong maisip na part time.
Nagapply din ako pa abroad pero wala pang swerte ngayon e
Nagiisip ako magbusiness di ko rin maisip pano sisimulan.
Nakakadrain. Alam mo yung pakiramdam na parang baldado ka pero hindi naman, Pabigat ka sa mga nakapaligid sayo kahit gumagawa ka naman talaga ng way para hindi.
Simple lang naman gusto ko bakit parang ang hirap makuha.
Makawork ng maganda ang sahod.
Makapag provide at mapagawa yung bahay.
Mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya ko.
Magawa namin ni bebi yung mga travel goals namin.
Yung walang iniisip na problema pagdating sa pera.
Mahirap ba yun?
Sana matawagan na ko pa abroad para kahit papano mas umokay ang sahod. Umokay din ang sitwasyon.















