4th year-1st sem Postmortem
Well, tapos na ang 1st sem ng huling taon (sana naman diba?) ko sa FEU. I can't believe na ganun kabilis ang panahon sa college. Parang kahapon lang (cliche). HAHAHA. Anyway, so here's my analysis of this semester:
1. HINDI MADALI ANG THESIS.
Sa totoo lang, hirap na hirap ako. Partida ha, mas bet ko pa ang paperworks kesa sa production pero parang simula nung nag-drama production ako, I enjoy it more. Pero yun na nga, ang hirap ng thesis. Hindi biro yung panahon, lakas at pera na ginugugol sa thesis na ito. I think kung hindi kasabay ng thesis ang film production, siguro mas matino yung outputs. Pero natapos naman namin yung 4 chapters, I just hope minor revisions na lang (Sana nga wala na e.). Next semester: 2 chapters na lang. Sana matino na ang kalalabasan.
2. FILM PRODUCTION = Ubos pera, ubos lakas
Hindi biro ang pinag-daanan ko sa film production. Yung totoo, umuuwi kami ng Nueva Ecija tapos babalik din ng Manila sa hapon? Akalain mo naman na nagawa namin yun nina Jen at Irish (Team Bato). Tapos pabalik-balik ka sa bayan kasi may inaasikaso kang papers. Buti na lang napaka-accomodating ng lahat ng nilalapitan namin. Pati tricycle drivers! Sobrang saya lang nung experience, kahit medyo may kainitan moments. Pero deadma na. Wiz ng balikan, baka maging tulad nung theater class ko na may bahid ng kung ano mang negative vibes. Laking pasasalamat ko lang din sa Luciano family lalo na kay Mama Nory na tinanggap kami ng bongga kahit gulat sila sa ingay at gulo namin. Hahaha.
Sa mga artista namin na game na game sa kung anik anik, salamat din! Naging barkada na namin kayong lahat. Miski ang angels ko. The best kayo! Hahaha!
Pero yun nga, kahit na mahirap ang journey para matapos ang ILA, masaya naman. Lalo na nung pinanood ng marami ang pelikula. Yung award namin na 2nd runner-up for Best Short Narrative, cherry on top na lang yun! Di expected yun e. Malay ba naming may ganun?
But as I open the portal to check my grade in CNM, I must say na nadisappoint ako. Akala ko ako lang, hindi pala. Almost lahat kami. Pero hayaan na. Nangyari na e. Sana lang navalue yung hardships and the fact na 'beginners' lang kami. Yun na.
Eto, hindi lang sakin pero sa marami. Marami ang nangyari sa buong block na hindi mo aakalain na aabot sa puntong iyon. Pero ganun talaga, part siya ng buhay e. There would be times na sa dami ng ginagawa mo, you forget the people around you. Nangyayari yon. Ang kailangan mo lang gawin is humingi ng tawad at magpatawad. May mga tao talagang ganun. You just have to deal with them. Pero wag ka rin papa-api. Just because they look stronger or whatever, doesn't mean na ia-accept mo na lang. MAG-SALITA KA! Sabihin mo side mo, pero afterwards, say sorry. At least you let them hear what you feel and think ng hindi sila lang yung pwedeng mag-salita.
But I learned that you still have to value your friendship. Humble down. Mahirap pero it will always be the best thing to do. Do not burn bridges ika nga. Sabi nga sa bible, magpatawad ka ng 77 times (I hope I get that right), not literally pero it only means na you have to forgive a lot!
"Let us encourage one another to incite to love and fine works." -Heb.10:24
I may not be the social butterfly who flies from one party to the next or the wandering kid who travels a lot, but I am a kid who knows how to have fun even at the simplest ways.
This semester, nakapag-food trip ako with my thesis mates ng madalas. Our first overnight should've been for Chapter 1 but instead, we went our and eat. Hahaha. Ang saya! Gusto ko na tumira sa teacher's village dahil don! Hahaha. And after the awarding ng Sinepiyu, we went out ulit and dine sa Mezza Norte. Lahat pagkain!
Bihira man, okay na sa akin yun. Sayang di ko naexplain ng buo yung speech ko about it dahil kulang sa time nung presentation pero sabi ko don, there are just prioritize and the fact na I don't have a lot of resources to waste kaya ganun.
5. DAANIN SA SIPAG AT TIYAGA
Ilang beses within the last semester yung talagang hindi ko na alam ang uunahin ko. Pero dahil sa kagustuhan kong pumasa, sipag lang talaga. Lalo na sa Statistics na after the discussion ni Ma'am sa klase, I have to read a stat book pa para lang maintindihan.
Nakakatawa na dun sa evaluation ng professors, may tanong na parang, 'Na-eenganyo ka ba mag-self study?' Malamang ang isasagot ko, Oo. Hindi dahil sa magaling yung professor at gusto mo yung tinuturo niya kundi dahil KAILANGAN MO TALAGA. No choice e. Hahaha!
6. KEEP YOUR FRIENDS CLOSE
Masaya ako na kasama ko pa rin ang mga taong kaibigan ko simula pa noong simula. Sana hanggang sa dulo ng buhay ko (drama), andyan pa rin sila. Hi friends! Kung napangiti kita dahil dito, masaya ako na malaman na ganun! :*
-------------------------------------------------------------------------------------------
Yes, 4th year-1st semester has been rough. Up and down din like the other semesters but I can proudly say na I survived! =)) 7 semesters down, 1 more to go. Last na yun sana! Hahaha.
Hindi ko na ipopost ang grade sheet ko sa Facebook. Naiintindihan ko na kasi na hindi pala kagandahan na ipangalandakan mo don yung grades mo lalo na sa buong friend list mo. Sa family and relatives nalang, okay na yun. Hahaha!
Scholarship. Ahm. Next topic? Hahaha. Yes. Hindi na ko scholar. Sumabit ng konting-konti e. .something, something na lang o. Yun ang iniiyakan ko. Syempre, burden na naman ako sa parents ko. Pero sabi nga ni Mama, hayaan ko na lang daw sila ang mamroblema non. Pero dahil makulit ako, kailangan gumawa din ako ng actions para kahit papaano hindi ganun kabigat. TIPID101 na naman! =))
Lord, alam mo naman ang hiling ko. Sana kasama pa rin kita hanggang sa huli para maabot ko yung goal ko. Hindi para dun sa reward na matatanggap ko kundi para sa reward na maibibigay ko sa pamilya ko.
Hindi na ko madidisappoint, kasi alam ko na naging blessing ako sa marami ngayong semester. (Sana nga po.) Na sa pagiging pabida, nakatulong ako sa iba na maging bida rin at maging pabida rin. Hahaha!
Adios Mi Amigo. Oks na ito!