Ang girls daw, parang mansanas.
Sa isang mataas na puno ng mansanas, may mga mansanas. (alangang orange?)
Ung mga mas mataas daw ung pwesto, yun daw ung mga da best. Ayaw kunin ng boys ung mga nasa mas mataas kasi daw takot ung mga apples na yun mahulog o masaktan. Minsan naman daw, nagfefail lang silang mapitas ung apples. Kaya ung mga mas mababa, mga bulok, o ung mga nahulog sa lupa na lang ung kinukuha nila. Hindi nga daw maganda ung kalidad ng apple, pero madali naman daw makuha.
Kaya ung mga apples sa taas, minsang naiisip na may problema sa kanila. Pero ang totoo, amazing sila. Yun nga lang, kelangan nilang maghintay for the right person na pipitas sa kanila. Ung matapang (pwede ring matangkad) na boy na aakyatin siya para makuha no matter what.















