Assuming ka. Lahat ng ginagawa ko may meaning para sayo. Daig mo pa yung diksyunaryo.
Paasa ka. Ine-expect mo na hindi ako madadala sa mga yakap at halik mo. Tao ako, hindi bato.
Assuming ka. Nadadala ka sa salita pero ikaw mismo hindi nadadala.
Paasa ka. Mabilis ka mangako pero mas mabilis ka ring maglaho.
Assuming ka. Nalilito ka sa "kailangan kita" at sa "mahal kita" kaya nasasaktan ka.
Paasa ka. Magaling ka magparamdam pero duwag ka naman kapag katotohanan.
Assuming ka. Pinaniniwalaan mo ang "feeling" mo kahit di mo naman alam ang feelings ko.
Paasa ka. Last year, ako kasama mo nung Valentine's Day. Ngayon, pang day after na lang ako.
















