#Jowable
Hindi ko alam kung anong saltik nung mga katrabaho kong pinoy. Itong kahapon buong araw talaga ipina-mukha nilang SINGLE ako. Nakakaloka, hahaha! (Well araw-araw naman silang nang-aasar pero malala today!) Long post ahead!
Scenario#1 - Shoot for TFT Newsbreak keme (guys like niyo page namin sa FB - The Filipino Times)
Reporter: (Reading his script out loud) Lola na 107 anyos, di nag-asawa kaya daw siya masaya!
Kuya R: Andyan pala si Paw sa newsbreak! Paw! Sikat ka na!
Reporter: Oha, magiging masaya ka kahit walang Jowa!
Ako: Hala sya. Hindi ako yan! Nakakaloka kayo!
Others: Oooooh! HAHAH
Scenario#2 - Lunch Time
Ako: (Kumakain ng chicken and spaghetti)
Sir Jo: Paw, lagi kang may kinakain pag nakikita kita.
Ako: Ang hirap mag pigil ng kain sir eh. Masarap kumain e.
Kuya R: Wala kasing jowa.
Mark: Mapili kasi. Binibigyan ko nga yan tinatanggihan.
Ako: Gagu mo Mark, puro salita ka, nasa na sila? Wala naman, ikaw pa nagtatago sa kanila. HAHAHA.
Mark: Asus, maarte ka kaya.
Ako: Pakilala mo sakin, tapos sasabihan kita. (Sabay kain)
Sir Jo: Hanapan niyo na nga! Hahaha
Scenario#2 - Before uwian
Kuya R: Paw, tara dito.
Ako: (Nagtra-trabaho) Bakit kuya?
Kuya R: Tara dito may ipapakita ako sayo, importante! Dali!
Ako: Wait kuya. (Tumayo si uto-uto at pumunta)
Kuya R: Panoorin mo to. (Pinakita at pinapanood sakin yung video)
(Video) Kim Molina: ibig sabihin sister virgin ka pa?
Ako: Kuya ano to?
Kuya R: Panoorin mo nalang, ikaw yan! Bagay sayo makakarelate ka!
(Video) Kim Molina: Pero sister tao ka lang hindi ka dyosa, meron ka rin pong mga pangangailangan, kaya nga gusto ko talagang itanong sayo, sister nafi-f*nger ka po ba?
(Video) Sister: Ano ka ba?!
Ako: Whaaaat?!
Jam: Tapusin mo. hahaha
(Video) Friend: Alam mo friend kaya ka siguro wala kang jowa dahil inum ka ng inum.
Kim Molina: Kaya nga ako inom ng inom kasi wala ako jowa.
(Watch the whole trailer of Jowable The Movie!)
Ako: Naloloka na ako sa inyo. Hahaha hindi kayo nauubusan ha! (Sabay hampas kay kuya at kay Jam)
Scenario#3 - Uwian na. (Convo sa whatsup)
Ako: Kuya saglit lang po, hihintayin ko si James.
Kuya R: Ok jowable
Ako: Bwisit HAHAHA. Pababa na po kami,
Scenario#4 - Sa sasakyan pauwi.
Ako: (Natutulog)..
Kuya R: Paw, paw!
Ate: Natutulog na siya, hahaha.
Kuya R: Paw, paw!
Ako: (Nagising) Bakit kuya?
Radio: asdafh .. Kayong mga babae, huwag kasi kayong mapili kaya wala kayong jowa! Iiwasan kayo ng mga lalaki asdaf..
Ako: Wow ha! Saktong sakto! Kaya pala ginigising mo ako!
Kuya R: Huwag ka daw kasi mapili, tatanda kang dalaga niyan. HAHAHA
Ako: HAHAHA! Hindi kaya ako mapili. Ikaw kuya, Who you ka sakin pag nagkajowa ako!
Lahat sila (Kuya R, Ate and James): HAHAHAHA!
Scenario#5 - Sa Restaurant
James: Hindi ka talaga malakas kumain ano?
Ako: (Hindi ko maubos yung isang serving ng La paz bachoy.) depende sa pagkain.
Kuya R: Eh walang Jowa kaya walang gana.
Ako: Parang hindi naman kuya, sa taba kong to.
Mabuti nalang mahaba pasensya ko sa mga nakatatanda. Na-bother tuloy ako, feeling ko huli na ang lahat sakin. Charot! Hindi naman Valentine’s day para mag-asaran ng ganito, hindi pa din naman malamig dito? Anong ganap hahaha. Babangon ako at dudurugin ko kayo! Pag ako nagka-jowa, who you kayo sakin!
Wala lang SKL. Hindi ko alam kung naikwento ko ng maayos. Wala kasi ako makwentuhan dito. #Alone ang peg.












