i cast correctly folded antibody protein. you might not be so lucky next time.
ah thank you! i sure do enjoy my correctly folded proteins!
seen from United Kingdom
seen from China
seen from United States
seen from United States
seen from Germany
seen from Norway
seen from Russia
seen from Norway

seen from Malaysia
seen from Iraq
seen from China

seen from Netherlands

seen from Belarus
seen from France

seen from Uzbekistan

seen from Australia
seen from South Korea
seen from China
seen from United States
seen from China
i cast correctly folded antibody protein. you might not be so lucky next time.
ah thank you! i sure do enjoy my correctly folded proteins!
"Hoy! Di ko sinabing itigil mo panlalandi mo sa 'kin. Kung manlalandi ka rin lang, ako lang. Ako lang ang pwede mong landiin. At ikaw lang ang pwedeng lumandi sa kin " #The18Ways
ladyatlas
Lmao i told my biology class about prionz once and ended the rant of with "sweet dreamz" and i dont think they did have sweet dreamz tbh
i can relate unfortunately. psa to all prion enjoyers do not do yuor research before bedtime you will NOT have sweet dreams.
Paano ba iyan, Ikaw talaga (Isang Tugon)
Minsan na kitang nakitang nag-iisa, Napansin ka, Nilapitan ka Dahil, mahal, tulad mo akong naliligaw. Maging ako'y 'di na naniniwala sa paghiling sa bulalakaw, Isinuko na pati paniniwala sa mahika ng pag-ibig. Ngunit nakita ko ang dilaw na puso— Nagyeyelo man ay ang init ko manggugupo. Minsan na kitang nakitang nag-iisa, Napansin ka, Nilapitan ka Sapagkat, mahal, hindi ko kayang iwan ka. Yayakapin ka sa lamig ng gabi Ang iwan ka'y nasa hulihan ng aking lábi, Hihilahin ka mula sa kawalan, Mananatili... Asahan mong ako'y mananatili. Ako ang nakakulong sa nangungulila mong mga bisig, Mga titig mo ang siyang tumutunaw ng nahahapo kong mga titig, Ang pag-ibig nati'y sandata sa bawat umagang tayo'y babangon Na sa tuwing gabi'y paghiling sa bulalakaw ay atin nang panahon. Ipagtabuyan mo man ako... Subalit, mananatili pa rin ako. Itatanong ko sa 'yo, kailangan pa bang humiling sa mga tala? Dahil, mahal, sapat nang hiniling ko kay Bathala na patnubayan tayong dalawa. Itatanong ko sa 'yo, 'di ba magsasawa ang bisig mong aking niyayakap? Marami na ring lumisan at iniwan ako sa dilim. Itatanong ko sa 'yo— Maaari bang magmahalan na ulit tayo? Hanggang kailan? Marami na ang nagtanong n'yan. Lahat panandalian... Ngunit sa lahat, ikaw lang ang nais bigyan ng kasagutan. Minsan na kitang nakitang nag-iisa, Napansin ka, Nilapitan ka At kahit na itaboy mo pa, Ikakadena ang sarili sa iyong kanlungan, Masamahan ka lang hanggang sa dulo ng walang hanggan. Kung nagsasawa ka na Patawad, ngunit sa aki'y 'di uso ang kapaguran... Mas nakakaawa ako kung wala ka— Ako—na palagi na lang naiiwang humihikbi. Paano ba iyan...ikaw talaga. —ladyatlas
Photo from Heart Yngrid K A M A N D AG (Karugtong ng tulang "Lunas sa Lason—Nalason) Isang araw, May isang prinsesa na napadpad Sa kahariang tinatawag na Kamandag; Punung-puno ng nakakahindik na pigura, Mga punong may bungang lanag— Isang uri ng bunga Na may halimuyak ng gumamela; Nakakabighaning bunga, Kung kakaini'y bibig magsasanga. Ang prinsesa'y nagpatuloy Sa daanan patungo sa palasyo, Kung saan kanyang nadinig Isang kapre raw ay umaaligid; May prinsipe itong ipiniit, Isang makisig na prinsipe— Kanyang buhok ay kakaiba, May bahaging puti ang hibla. Itong prinsipe'y nalugmok, Sa lason ng bungang lanag, Gawi nang ibigay ng sinisinta, Isang dilag na dayuhan; Napaibig ang pobreng prinsipe, Tinanggap ang bungang nakakapipi, Isang matikas na lalaki, Nanlambot— Nanghapo... Kaya mga elemento sa kaharian, Protektado ang kamangmangan Ng prinsipeng nagpadala Sa halimuyak ng lanag, Ng salita ng isang dilag. Ang prinsesa'y humayo, Narating ang naturang palasyo; Kumatok sa magarbong pinto, Nagsambit ng "Tao po!" Tumugon ang higante, "Sino ka at magpakilala!" "Ako si Prinsesa Lunas, Ang ipinadala ni Bathala Na siyang gagamot sa pobreng prinsipe, Na natinik ng salita ng lanag, Kung maaari ako'y papasukin At siya'y aking gagamutin." Saglit na nagtalo ang isip Ng higanteng tagapagsilbi, Ngunit sa awa ay pinagbigyan, Susugal muli sa ika-limang pagkakataon Na may apat nang prinsesa ay humantong, Sinasabing lunas ay naroon, Ang higante'y umaasam pa rin, Na ang lanag ay mahawi na rin. Bumukas ang tarangkahan, Pumasok na ang kamahalan; Napatigil sa gitna, Nakita ang nahihimlay na binata, Nagtataka ang prinsesa, Dahil sa panaginip ay hindi tugma; Tama kaya ang kanyang gagawin? Dahil sa panaginip ang prinsipe'y 'di himbing. Nilapitan niya ang higaan, Napatigil nang may maramdaman, Paglingo'y kita niya ang higante, Nakamasid sa dilim ng baluarte; "Lunasan mo ang prinsipe, Tanggalin ang lason sa buong siste, Sapagkat kay tagal na niyang nahihimlay, Sa kamandag ng bungang inialay." Tumango ang prinsesa, Nilapitan ang higante; Sumambit ng mga katagang 'di inakala, Niyakap ang bahaging mahawakan, "Masusunod, mahal na prinsipe Akin nang hihilumin Ang sugatan mong puso, Hindi na kailanman ito magdurugo, Ako ang lunas sa iyong paninibugho; Tahan na, aking prinsipe, Narito na ako..." Tumuntong ang prinsesa sa kamay na kay laki, Iniangat sa itaas na bahagi, Dinampian ang higante ng halik sa pisngi, At ang pigura ng nahihimlay na prinsipe'y nawaglit. Sapagkat biglang nagliwanag Pigura ng higanteng matapat, Lumiit, Lumiit... Hanggang sa maging isang makisig na imahe, Ang prinsipe sa panaginip ni Lunas, Siya ang prinsipeng si Kamandag; Ang prinsipeng nalanag sa sariling katha.
Para sa Haligi Namin
Para sa Haligi Namin... (I) Aking Aydol na Myusisyan Isinulat ni: ladyatlas Unang mulat at inat, akay ng pares ng 'yong bisig Umagang 'di pamilyar, sinag ay sakop ating panig "Ang laki na ng ate ko!" bulalas mo pa kay mommy. Pero heto ako't takot, gusto'y kay ginang mabini "Sino ang estrangherong ito?" aking sabi sa isip. "Sinong nagluwal sa akin?" tanong nang munti'y sumilip. "Yakap mo si Daddy, ate!" mabining sabi ni mommy. Ako'y takot, yakap-ganti't kumawala sa haligi Limang taong gulang, hindi alam iyong ngalang taglay Kakat'wa't sarili ngang ngalan hindi rin mapagnilay 'Pagkat nitong panahong magmulat aking mga mata Busabos no'ng una, isipang walang pagkamakata Lumaking hanga sa 'yong paghawak-tugtog ng gitara Musika'y daloy-pintig sa puso't ugat ng 'sang hara Pinagtaka noon pa, "Si Daddy nasa loob ng TV!" Hagikgik ni Mommy, "Eat Bulaga 'yan—kapuri-puri!" Hahangaan kita hanggang sa pumuti ang buhok mo Hahanggaan kita sa walang kakupasang talento Nag-iisa kang "lider ng aming banda", 'di ba Daddy? Perkas'yon, string, idamay na pati tinig na pa-husky! Salamat, Daddy, at ako ay buhay pa hanggang ngayon Nasasaksihan, naririnig, musika't himig na 'yon Kaya sa saknong na ito'y himig sana'y malapatan Mahal kita, alam mo 'yan, aking aydol na myusisyan (II) Bangkero Isinulat ni: askP Sa pag-andar ng bangkang may ngalan ko, Bughaw, puti at luntian ang mga disenyo nito— Nakikita ko pa ang ngiting gumuhit sa labi mo, Masaya kang nagmamaneho, itay, aming bangkero! Mga alon ay ang mga pagsubok na 'yong sinuong, Ang katig ay ang mga bisig mong sa `mi'y ikinalong; Ikaw ang nagsilbing timon tungo sa tamang direksyon, Kalmado, kahit hinahampas ng malalaking alon! Hindi ka nagsawa sa pagbibigay ng kailangan, Wala kang ibang inisip kundi aming kasiyahan, Hindi matatapos ang lahat sa iyong kamatayan— Dahil sa musmos kong isipan isa kang kayamanan. Saksi sa 'yong bawat pagpalaot kahit nahahapo, Magsumikap, para 'di pagtawanan ng mga tao; Respeto at kabutihang asal ang 'yong itinuro, Pagpapahalaga sa pamilya ang iyong binuo. Salamat, dahil ikaw ang bangkero ng aking buhay, Salamat sa mga byahe na pinuno mo ng kulay— Sa mga payo mo at pagsintang higit pa sa tunay! Ikaw lang ang tangi kong lodi, bangkero naming tatay! Kung bibigyan ng pagkakataon ako ay sasakay— Isang pagpalaot pa habang hawak ang iyong kamay. Isa kang larawan ng tunay na tagapagtangol, 'tay, Kung maaari lang po, isang byahe pa, 'tay, pasakay!