Panata ng bagong ako
Aking ipapangako Bilang pagbabalik loob sa bagong ako Na ako ay tutula sa araw-araw.
Sa isipan ay itatatak ang nais patunguhan Sa salita idadaan ang tapang at sa gawa aking ipapakita ang katapatan sa panatang aking iiwan.
Araw-araw ako tutula para sa isang makata sa kanya na ginugugol ang mga salita, sa kanya na siyang aking isip, puso at tagapaggawa.













