BALANG ARAW.
Naranasan mo na bang hindi makatulog, Sa gabi palaging nasa isip puro pagsubok?
Na sa araw-araw na parang hadlang, Sa mga pangarap mong hanggang tingin na lang.
Pero kahit sa ngayon ang kaya mo'y eto lang, Alam kong kaya mo, kasi ikaw yan.
Ikaw na marami nang nalagpasan. Ikaw na marami nang pinagdaanan.
Kaya ang masasabi ko lang sayo, Na kahit maraming pagsubok sa daan mo.
Balang araw, Matutupad din lahat ng pangarap mo.
Balang araw, Dahil kaya mo.
—
SM Mall of Asia Seaside, Pasay City



















