Paano nga ba intindihin ang salitang "PAGMAMAHAL"? Ano nga ba ang mga sangkap nito? Puro saya lang ba? Puro sakit lang ba? O combine ang dalawang ito? Paano mo masasabi na nagmamahal ka? Mahal na bang maituturing kapag sinabi sayong, "Mahal Kita" o Action speaks louder than voice? Ni kahit ako, hindi ko ito alam kung paano ito iintindihin. Kung paano ba maging okay sa araw araw na paggising mo. Paano makakasurvive sa araw araw na wala na yung taong mahal mo. Hindi ko na kasi alam. Hindi ko na maintindihan. Mahal na bang maituturing yung pinaghintay ka sa wala pero willing ka maghintay kasi andun yung chance mo na baka dumating siya sa usapan niyo? Mahal na bang maituturing yung sa tuwing may away kayo, tampuhan, misunderstanding, e hinahayaan niya lang? Binabalewala ka? Hinahayaan niyang lumipas ang araw na yun, na kaya niyang matulog kahit ganun sitwasyon niyo? Mahal na ba yun? MAHAL BA YON? Minsan hindi natin alam kung saan natin ilulugar yung sarili natin sa taong minamahal natin, nananahimik buhay mo nun, tapos biglang ginulo niya. Minsan kasi ang taas ng expectation natin sa isang tao na hindi naman niya nagagawa. Bakit hindi ko maramdamang mahal mo ako? Mahal mo ba talaga ako? O, naggirlfriend ka lang kasi gusto mo lang pero hindi mo naman mapanindigan ang pagiging isang lalaki? Alam mo kaya ang responsibilities mo as a boyfriend? Bakit puro lungkot nalang? Bakit ganun? Unti unti.. nauubos nanaman ako. 💔 Mahal mo ba ako? Mahal na bang maituturing ang lahat ng iyon? Pinakamasakit sa lahat ng pain ay yung hindi mo mailuha. Basta masakit lang. 💔














