I had this convo with one of my dearest friend, and a question, a thought was left unanswered by me, kasi natabunan na ng ibang usapan. Here's what she told me:
And I quote:
"[5/29/2014 1:00:00 PM] Jiance Knowles: Jusko te. Alam mo kung ano masakit? Ung takot na baka kapag bumalik mga ex ng mga jowa naten, eh baka bumalik din ung feelings kase alam naten na minahal cla nung mga un diba. "
Well as for me, oo nakakatakot talaga yung ganyang bagay at realidad sa buhay. Di naman imposibleng hindi mangyare yan eh. Pero ako sa sarili ko? Natatakot ako, pero hindi ko na mas tinatakot pa yung sarili ko, yung tipong nasa point ka na ng paranoia sa bawat oras at araw ng buhay mo. Kasi masasayang yung oras niyo na dapat dalawa eh.
Para saken, seize the moment nalang lagi, live and love to the fullest lang. Kasi lahat ng bagay may katapusan di ba? At hindi exempted yung relasyon niyong dalawa sa mga may katapusan na yun.
Nung pumasok na ako sa isang relasyon, alam niyo ba kung anong unang pumasok sa isip ko? Inisip ko kaagad hanggang kelan kaya kami? Hanggang saan? Kasi sa simula palang pinaalalahanan ko na yung sarili ko na, "may katapusan tong papasukin mo na bagong simula". Mature ba ako mag isip? I was just 16, turning 17 na din naman nung nagkaron ng bf, my first bf. Ewan ko, siguro maaga lang akong namulat sa kasabihan na "People come and go."
Wala pa naman talaga akong naging isang seryosong relasyon, until dumating nga yung bf ko until now. Pero ganyan na yung naging set ng utak ko. May katapusan. May hangganan. May tuldok, at hindi palaging kuwit ang bawat pangyayari sa buhay.
Wala akong EX, pero EX MU meron (may ganyan ba? HAHA) pero para sakin, once na iniwan mo na ako, inayawan wala ng susunod na pagkakataon, kung gugustuhin mang bumalik. Kasi para sakin, you had your chance but you let it pass, you've wasted it.
Once is enough sabi nga, and I am sticking with that thought, my bf right now knows about this. Na ONE TIME TAKER lang ako.
(So, ang daldal ko na di ko na nasagot yung tanong saken hahaha)
Eto na nga, kung magbabalikan sila. Then so be it. Sige lang kung mahal niyo talaga isa't isa eh. Kung talagang para kayo sa isa't isa, hahayaan ko kayo. Sino ba ako para pumigil sa inyo. Kung dun pa rin ang puso niya sa EX niya (kahit sino sakanila) ipaparaya ko siya. Malamang masakit yon! Mahal ko yung papalayain ko eh, pero I won't stick with someone, on somewhere when I am no longer wanted. Kung ayaw mo na sakin, good bye for good. No turning back. At ipinapangako ko naman na hinding hindi ako manggugulo sainyo gaya ng ginawa ng ex niya samin. AMEN.