THREE YEARS AGO...THROWBACK
Three years ago, sayo lang pala ako nagmahal ng sobra, sayo lang pala ako naging masaya ng sobra, na sabay tayo nangarap para sa ating dalawa, sayo ako nagtiwala, wala akong tinago sayo, halos sayo ko lang din nilaan ung oras at atensyon ko. Sayo lang naging POSITIBO lahat ng pananaw ko. Ikaw ang isa mga dahilan kung bakit ako ginanahan sa pag aaral ko. Hindi ako tumingin sa iba, Ikaw ung pinaniwalaan ko sa lahat, Kapag may nakikita kang kamalian na ginawa ko, tinatama mo agad. Yung mga problema mo na sinasabi mo sa akn, pinakinggan ko lahat at hindi ko pinapakita sayo na nanghihina ako, kasi gusto ko malaman mo o makita mo na kahit anong dumating sayo na problema mo, sasamahan kita at hindi kita iiwan. Nasa tabi lang din kita nung sinabi ko rin sayo ung problema ko.Binigyan mo ako ng lakas ng loob para maipakilala kita sa magulang ko, kahit na hindi ka nila gusto para sa akin, pinilit ko pa rin. Ginawa ko ang alam ko na makakaya kong gawin para mag work ang relasyon natin. Hindi pa uso ang salitang FOREVER at PROMISE sa ating dalawa pero pinaparamdam natin na sa bawat isa na mahal natin ang isa’t isa. Ang saya ko, sobrang saya nung dumating ka sa akin, halos hindi tyo nag aaway, mag aaway man tayo pero sa salitang ILOVEYOU yon. Sobra talaga, hindi man lang pumasok sa isip ko na maghihiwalay pa tayo, sa sobrang saya na nararamdaman ko nun. Inisip ko na “IKAW NA TALAGA ANG BINIGAY SA AKIN NA MAKAKASAMA KO SA ARAW-ARAW NA PAG NAWALA KA PA SA AKIN, HINDI NA AKO MAGMAMAHAL PA NG IBA”. Pero yun hindi ko inisip na pangyayari sa atin siya yung dumating sa ating dalawa. Maliit na pagsubok para sa ating dalawa, sayo ako nakinig, ikaw yung pinaniwalaan ko, naayos man pero ORAS LANG ANG TINAGAL at sumuko ka na agad, tinapos mo ang lahat sa isang iglap, hinabol kita sa pag aakala ko na mahahabol pa kita, sinubukan ko ulit na maayos. Pero wala na pala tlaga, umalis ka sa buhay ko na walang paalam o dahilan. Kung gaano ako kasaya nung dumating ka, DOBLE, TRIPLE, at SOBRA yon nung iniwan mo ako, nung nasaktan mo ako, hindi ka dumating nung na umiyak ako, hindi mo sinubukan punasan ung luha ko. Pero kahit ganun, hindi ako nakaramdam ng galit sayo nung umalis ka, puro tanong lang ang isip at puso ko ang meron ako ngayon. At hanggang ngyon, hindi ko alam kung paano ako magtitiwala, maniniwala, kung paano mababalik ung salitang pagmamahal na binigay ko sayo nun. Kung dadating man ung panahon na magkita tayo, wag ka mag alala, kaibigan na ang turing ko sayo. Salamat sa lahat ng saya at lungkot, sakit na iniwan mo sa akn. May dahilan kung bakit ako nagpapaka BITTER o kung bkit ako takot na sa salitang RELASYON. :)












